Part 18: nahihirapan

3.8K 117 3
                                    

Nagising ako ng hinaplos ni Kaden ang pisngi ko. Nakatulog pala ako sa byahe. Tumingin ako sa gilid at ang buong Villa sa gabi ay napaka makulay pala. May mga ilaw sa paligid nito.

Inalalayan ako ni Kaden sa pagbaba ng sasakyan. Nakita kong dumiretso na si Mike doon sa likod at nag diskarga na ng mga gamit. Bumaba na rin sina Kuya Dealan, Remma at Trish.

Sa itaas ng Villa sa hamba ng pintuan ay naroon ang Lola nila Mike at may suot na shawl na nakayakap sa katawan niya. Nakangiti siyang nag iintay sa amin doon.

Nang umakyat kaming lahat ay sinalubong agad kami ni Lola.

"How's your trip to Star Apple?" Palipat lipat ang tingin ni Lola sa lahat.

"It was great po. Salamat po sa pag papatuloy sa amin dito Lola." Ani ni Gia at humagikgik pa.

"Good. Basta ay naging masaya naman ang mga pinsan ng girlfriend ng aking apo ay masaya na rin ako." Inayos ni Lola ang kanyang salamin at ngumiti muli.

"Salamat po talaga." It was Kuya Kaezer.

"Sana po makabalik kami rito. Okay lang din kung ako lang." Yuriko said. Napailing na lang ako sa pinsan ko.

"Oo naman iho. Anytime!" Ani pa ni Lola.

"Lola, pasok na po tayo at baka pagod na sila. Baka gusto na nilang magpahinga. Tsaka Lola, pahingi na rin po ng paracetamol? Cady has a fever." It was Mike. Oo nga pala at may lagnat ako. Hindi ko na kasi iyon masyadong maramdaman simula ng makatulog ako sa mga bisig ni Kaden kanina sa byahe.

"O siya, halina kayo sa loob." Iginaya kami ni Lola sa loob.

"La, we need to go. Nag iintay na rin po kasi si Mommy sa amin sa bahay, wala siyang kasama." It was Misa,. Nakita ko pa kung paano bumagsak ang ekspresyon ni Yuriko ng marinig na uuwi na si Misa.

"Okay, say hi to your Mommy for me. Kayo ba Vanity uuwi na rin?"

"I'll be staying here La." Kinagat ko ang labi ko sa narinig. She'll be sleeping here and i don't want to assume anything but i feel like she has this evil plan of seducing Kaden. I can see it in her eyes.

"Ako po La uuwi na. Isasama ko na rin itong si Yra." Iyong Maikus naman ang nagsalita. Hinalikan nila ang Lola nila at saka nagpaalam na din para umalis.

Sinulyapan ko si Kaden na dumiretso na kasama sina Kuya Kieran at papunta sa kanilang kwarto.

Mike, Perri and that Vanity will be staying here. Saan naman kaya matutulog yung babaeng yun? May kwarto ba siya dito? Is she going to stay in the boys bedroom just like Remma?

Inalalayan ako ni Trish ng makapasok kami sa aming kwarto. Nagbihis lang ako ng pantulog at nagsuot ng jacket. Nahiga na agad ako sa kama.

Pumasok si Yuriko at dumiretso doon sa naiwan niyang gamit sa loob ng kwarto. Nagbihis din siya kaya ay nagtakip na lang ako ng unan. Nakahiga na rin kasi si Trish at si Ate Angelica. Parehong napagod. Niyakap ko ang unan ko na dala ko pa galing sa Maynila. Namatay ang ilaw ng kwarto siguro ay nakahiga na rin si Yuriko.

"Cady..." Kinalibutan ako dahil pabulong iyong tumawag sa pangalan ko. Akala ko ay tinatawag na ako ng multo o maligno. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at nakita ko ang pang asar na mukha ni Yuriko. Nakangisi siya at tumawa ng walang sounds. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Is he trying to scare me?! I don't even watch horror movies! Ang dilim pa naman sa buong kwarto at ang ilaw ng buwan lang na sumisilip sa malaking bintana ang nagsisilbing liwanag.

"Yuriko! Ano ba! Pag tumili ako dito malamang ay nagising na ang mga tulog dito sa kwarto!" Padarag na bulong ko.

Tumawa pa siya ng tumawa at may kaonting sounds lang ang lumalabas sa boses niya. "Hanggang ngayon ay matatakutin ka pa din." Umupo si Yuriko sa sahig sa tabi ng ulohan ko. Nag indian sit siya roon. Ginulo niya ang buhok niya at sumandal sa pader. Gumilid ako at hinarap siya. Nakatingala siya ngayon at tahimik na, para bang may malalim na iniisip.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon