Part 36: batis

3.1K 92 2
                                    

Inanyayaan kami ni Nana Josefa sa kanilang tahanan ng magtanghalian na. Ako naman ay halos maubos ko ang bilao ng kakanin na ibinigay nila kanina dahil wala pa kaming agahan ni Kaden.

Magkahawak kamay kami ni Kaden na naglalakad papunta sa bahay nila Nana. Panay ang tingin niya sa kanyang cellphone tila ba may hinihintay na text o tawag.

"They kept on calling me." Aniya. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Siguro ay pinaghahanap na kami ngayon nila Mommy. Siguro alam na nila ngayon ang tunay na relasyon namin ni Kaden.

"Pinatay ko ang cellphone ko. Siguro ngayon ay tumatawag na rin sila sa akin."

"Mas mabuti pa ngang patayin ko na lang din ang saakin." Kaya iyon nga ang ginawa ni Kaden.

Nang matanaw na namin ang pintuan nila Nana Josefa ay siya naman ang paglabas ng anak niyang si Jolina.

"Nana, narito na po sina Kaden at Cady." Ngiting ngiti si Jolina sa katabi ko at sumulyap lamang ng sandali sa akin. "Pasok kayo."

Pumasok kami at sumunod kay Jolina. Ang bahay nila ay sementado na hindi pa na natatapos. Hollow blocks ang bawat dingding nito. Pula naman ang sahig nila. Sa sala ay may kawayan na sofa at nakaupo doon iyong anak ni Nana na lalaki. Tumayo siya ng makita kami at inimwestra sa amin ang upuan.

"Tatawagin ko lang si Nana." Sabi ni Jolo. Sumunod naman si Jolina sa kanya. Pumasok sila doon sa may pintuang kurtina, siguro iyon ang kanilang kusina.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kaden sa akin. Ayos naman ako. Bakit kaya niya natanong?

I gave him a nod and a smile. Hinalikan niya ang likod ng palad ko na nakasalikop sa kanya.

Napatingin kami sa pintuan ng may pumasok na lalaking matanda. May itak siya sa gilid niya! Napatayo si Kaden at nakita kong nagkangitian sila ng matanda.

"O, iho. Ito na ba ang asawa mo? Mas maganda siya kapag gising." Natatawang sambit ng matanda. Nang init kaagad ang pisngi ko. Siguro kanina niya ako nakita habang ako ay tulog.

"Opo siya nga po Tata. Si Cady po."

Tumayo ako at lumapit sa matanda upang makipag kamay sana pero hindi niya iyon pinaunlakan.

"Naku iha, marumi ang kamay ko. Galing ako sa palengke." Ngumit naman siya sa akin kaya naintindihan ko naman.

Lumabas si Nana doon sa kurtina at sinalubong niya ang kanyang asawa. Malaki din ang ngisi niya ng binalingan kami. Nagpunas siya ng kamay gamit ang kanyang apron at saka kami nilapitan.

"Tara na at handa na ang tanghalian." Ani ni Nana sa amin.

Hinawakan ni Kaden ang kamay ko at sumunod na sa kanila.

Sa hapag ay naroon na si Jolina, Juday at si Jolo. May bakanteng upuan na tinuro si Juday kay Kaden kaya doon kami naupo. Sa tapat ko ay si Juday at katapat naman si Kaden si Nana. Sa gitna ay si Tata. Katabi ko si Jolina at katapat naman niya si Jolo.

Bigla akong ginapangan ng gutom ng makita ang ulam na nasa lamesa. Mga gulay ito at pritong isda.

"Magdasala muna tayo bago kumain." Ani ni Tata.

He lead the prayer for the meal. Matapos magdasal ay saka na kami nag umpisang kumuha ng pagkain.

Si Kaden ay nilagyan ng kanin ang aking pinggan. I thanked him. Kinindatan pa ako ng mokong. Naramdaman ko ang tinginan nila sa amin. Nahiya ako bigla.

"Ta, kung may bakante po kayong trabaho sa palengke baka pwede po ako doon." Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Kaden. Is he serious? Magttrabaho siya sa palengke?

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon