Medyo SPG!
Niyaya kami ni Gia na umupo doon sa kanilang table. Pumunta nga kami roon ni Trish. Gia and her friends started drinking. Ako ay nagmamasid lang sa paligid habang si Trish ay panay naman ang pagkuha ng litrato sa akin at sa mga kaibigan ni Gia.
Hinanap ng mata ko si Yuriko. Hindi ko pa siya nababati sa araw na ito.
Tumayo ako at iginala ang mga mata, nakita ko si Yuriko doon sa kabilang table. Ngumiwi ako ng makita kung sino ang kasama niya. Naroon si Mike, Misa at iyong Vanity. Nag iwas ako ng tingin ng ituro ni Yuriko ang banda namin. Sa tingin ko ay pupunta sila dito. Umupo na ako at napalingon kay Kaden na ngayon ay umiinom at nakaupo lang doon sa table ng mga pinsan ko. Paminsan minsan ay napapalingon siya sa akin na para bang binabantayan ako.
Napatalon ako ng hilain ako ni Gia at isinama sa dance floor. Wala akong nagawa dahil maging si Trish ay hinila niya rin kasama ng kanyang mga kaibigan.
"Wooo!" Sigaw ni Gia sabay sayaw at giling. Napailing na lang ako at nagpaanod na din sa kanila.
Namataan ko si Perri na papalapit dito. Nang tuluyan na siyang makalapit ay hinapit niya ang bewang ni Gia. Gia looked so pissed and irritated. Hinila siya ni Perri sa kung saan at mukhang nag aaway pa ang dalawa. Ang naiwang pwesto ni Gia ay napalitan ng kung sino. Para bang na distract ako sa malakas na tunog ng musika at hindi ko agad na mukhaan kung sino ang lumapit sa akin. It was Mike.
Hindi siya nakangiti, hindi rin siya nakasimangot. Tinitigan niya lang ako sabay indak din sa musika. Nag iba ang aura niya, hindi tulad noong naroon kami sa kanila.
"Kamusta?" Bulong ko pa sa kanya. Nagkibit lamang siya ng balikat at pinagmamasdan pa rin ako. Sabay kaming umindak sa musika kahit na parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin ngayon. "Kanina pa kayo rito?" Bulong ko muli.
"Kararating lang namin." Sagot niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag sayaw. Nilingon ko si Trish na ngayon ay may kumakausap na na lalaki sa kanya. Mukha namang nagkakamabutihan sila kaya hindi ko na siya ginambala pa.
"Ganun ba, saan ang pwesto niyo?"
Tinuro ni Mike ang lugar kung saan ko sila nakita kanina. Tumango ako. Diretso ang tingin niya sa likod ko kaya ay napalingon ako doon. I saw Kaden walking towards us. Shit.
Tumabi si Kaden sa akin na may dalang alak. Nakaigting ang mga panga niya at alam kong iritado na naman siya. Dahil siguro narito si Mike sa harapan ko.
"I think i should go." Ani ni Mike at nakita ko kung paano naging malungkot ang mga mata niya.
Nagbuntong hininga si Kaden sa tabi ko ng tuluyan ng makaalis si Mike. But someone grabbed his hands. It was Vanity. "Tara, sayaw tayo!"
Nilingon ako ni Kaden na para bang nagpapahiwatag ang kanyang mga mata na pigilan ko siyang isayaw ng babaeng iyon. Pero paano? I can't just be possessive over him in front of all these people. Magkapatid lang kami sa mga mata nila.
Nag iwas na lamang ako ng tingin habang parang tinutusok ang puso kong bumalik doon sa aming table. Tumabi ako sa aking kapatid na ngayon ay may nakakandong na babae sa kanyang kandungan. Napailing na lang ako kay Kuya Kieran.
Kinuha ko ang isang baso ng black label. Mabilis kong naubos ang laman noon sa isang iglap lang. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko, kay Kaden at lalong lalo na sa sitwasyon namin. I want him here beside me but he's there with Vanity, giving him a whore dance. Hindi iyon maatim ng mata ko. Kahit na alam kong hindi naman niya binibigyan ng atensyon ang babaeng sumasayaw sa harapan niya ay selos na selos ako.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.