Part 34: tight

3.1K 100 5
                                    

Kalaunan ay bumalik na rin kaming lahat sa Venue maliban kay Ate Angelica na umalis na. May after party pa at iyon ang inaabangan ng karamihan.

Nasa sulok lamang ako nakaupo. Si Kaden ay hinila nila Yuriko at nila Trish sa kanilang grupo na nag sasayaw ngayon sa gitna ng dance floor.

Naramdaman kong may tumabi sa akin, nilingon ko kung sino iyon at nakita kong si Mike ito. May dala siyang dalawang baso na may laman na alak. Inabot niya sa akin ang isa. Mabilis ko iyong tinanggap. I think i needed this drink to cool down what is going on my mind right now.

"Why are you alone in here? Ayaw mo ba sumayaw?" Tanong ni Mike. Nagbalik na ba ang dating Mike? The concern and nice Mike?

"Wala, napagod na lang siguro ako..." Nilagok ko ang alak sa aking baso.

"Gusto mo ihatid na kita sa Suite nyo?" Umiling ako. Kahit hindi na maganda ang mood ko ay hindi ko naman pwedeng lisanin ng maaga ang sarili kong party. That would be rude to all my visitors. "Ay, teka..."

Tumayo si Mike. Sinundan ko siya ng tingin. May kung ano siyang binubunot sa kanyang bulsa. Isa itong maliit na kulay baby blue box. Napakamot si Mike sa kanyang batok at inabot sa akin ang karton.

Tiningnan ko lang siya at walang malay na kinuha ang box sa kanyang kamay. Umupo si Mike ng buksan ko ang box na may nakasulat na Tiffany and Co.

Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang white gold na bracelet at may isang korteng puso ang nakasabit dito. Kinuha ni Mike ang bracelet galing sa box.

"May i?" Tanong niya. Tumango ako at hinayaan siyang ilagay ang bracelet sa aking palapulsuan. "There."

"Thanks Mike." Sabi ko. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi.

The next thing i know, nasa sahig na si Mike, hawak ang kanyang panga dahil sa lakas ng suntok ng kung sino.

Napatayo ako at halos nabitawan ko ang karton ng bracelet kanina. Dumiretso ang palad ko sa aking bibig.

And there, i saw Kaden... Namumula ang mata niya sa galit. Hingal na hingal siya at nakapulupot sa kanyang braso sina Kuya Kieran at Yuriko. Nakakuyom ang kanyang mga palad. He punched Mike!

"Kaden! What's wrong with you?!" Sigaw ni Vanity at dinaluhan ang kanyang pinsan. Si Perri ay lumapit na rin kay Mike. Maging si Gia.

"She's off limits, okay!" Galit na bulyaw ni Kaden sa lalaking nakahandusay sa sahig ngayon. Ohh please. Wag mo ng palalain ang sitwasyon Kaden. 

Tumayo si Mike at natatawa niyang hinarap si Kaden. Pinigilan siya ni Perri sa maaari niyang gawin.

"Off limits?" Sarkastikong tawa ni Mike. "Bakit huh? Tell me bro, bakit siya off limits?" Paghahamon ni Mike.

Hindi pa rin maipakalma si Kaden. Mukhang susugod pa siya kaya ay hindi pa rin siya mabitawan ni Kuya at ni Yuri.

"What's this commotion all about?" Fuck! It's Mommy! Halos lahat ng bisita ay nasaamin na ang atensyon.

Dumaloy ang kabang kanina ko pa gustong maramdaman. Pakiramdam ko ay manhid ako kanina sa lahat ng nangyari.

"Maam, your son hit my cousin." Sabi ni Vanity sa kay Mommy. Tumaas lamang ang kilay ni Mommy at binalingan si Kaden.

Ang tibok ng puso ko ay tumriple pa sa normal na tibok nito. Para akong magpa-palpitate sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Nanginginig na ako. Ramdam ko ang mga labi ko dahil nasa aking bibig pa rin ang aking palad. Literal na nanginginig ang mga ito.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon