Part 19: plans

3.9K 111 3
                                    

Kahit na nagpumilit si Kaden na mag holding hands kami pabalik ng kwarto ay hindi ako pumayag. Mahirap na kung may makakita man sa amin na kahit sino. They would freak out if they see us holding hands. It's not a usual thing to do with your siblings.

Nang makapasok kami sa kwarto ay mahimbing na natutulog pa rin sina Ate Angel at Trish. Narito na rin sa loob ng kwarto si Gia at tulog na din. Namataan agad namin si Yuriko na napalingon sa amin ng pumasok kami. Naroon siya sa may bintana at nakatingin lang sa malayo. Ginapangan agad ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit. Nagkatinginan kami ni Kaden ng nag iwas ng tingin si Yuriko.

Hinatid ako ni Kaden sa aking kama. Bumulong pa siya ng goodnight kaya lalo tuloy akong inantok. Nagkumot ako at niyakap ko ang aking unan. Umalis na si Kaden sa kama ko at narinig ko pa yatang lumapit sya doon kay Yuriko.

"I'm sorry about earlier. We're cool?"

"Yeah..." Malamig na sambit ni Yuriko. Iyon na ang huli kong narinig bago ako makatulog ng tuluyan.

Kinabukasan nang magising ako ay gising na silang lahat. Unang hinanap ng mga mata ko si Kaden. I saw him looked at me, tila ba alam niyang nagising na ako. Nagkusot ako ng mata. Nakaligo na siya and he's all freshened up. Napangiti ako sa kaloob loob ko. Bigla ko na lang naalala na kami na nga pala. That this handsome guy in front of me is mine. He is my boyfriend. Wow! I already have a boyfriend!

Siguro kung hindi lang si Kaden ang boyfriend ko ay naikwento ko na kina Trish at Gia ang tungkol dito. Naibahagi ko na na masaya ako. But i guess i just need to keep this to my self. But until when? Nagkibit balikat ako.

Nakita kong kakalabas lang din ni Trish galing sa banyo at tapos ng maligo. Si Yuriko ay nakahiga pa at may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone. As usual, nag yoyosi na naman si Ate Angelica. Gia is not around. Maybe kasama na niya si Perri ngayon.

"O, Cady, you're next. Maligo ka na at maaga daw tayong b-byahe." Ani ni Trish. Kaya ay tumango lang ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko para makaligo na. Nang papunta ako sa banyo ay sinundan naman ako ng tingin ni Kaden.

He mouthed something kaya ay pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko kasi nakuha ang sinabi niya. Kaya tumango na lang siya at pumasok na ako sa banyo.

I did my usual routine when i take a bath. Nakangiti nga ako habang naliligo. Para akong nakalutang sa ere at bigla na lang kikiligin.

Matagal ako kung maligo dahil maraming ritwal pa akong ginagawa. Mas lalo yatang tumagal dahil napapahinto ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kagabi. I held my lower lip when i remember how tender Kaden's lips when he kissed me. Oh God!

Nang matapos na ako sa wakas sa pagligo ay lumabas na ako. Nagulat pa ako ng si Kaden na lang ang natitira sa loob ng kwarto. Nakabihis naman ako pero pakiramdam ko ay nakahubad ako sa harapan niya dahil sa mga titig niya sa akin ngayon. Namumungay ang mga mata niya maging dito sa malayo. Yumuko at iniwasan ang tingin niya at dumiretso sa kama ko at inayos muli ang mga gamit.

My heart skipped a beat when i felt his arms on my stomach hugging me from behind. Takot ang naramdaman ko dahil baka may makakita sa amin.

"Kaden! Someone might see us..." Nakikiliting kong sambit dahil suminghot siya sa batok ko.

"You're my girlfriend now.. I can hug my girlfriend anytime i want..." Aniya sa malambing na boses. Kumalas agad ako sa kanyang yakap. Kailangan kong tanggalin sa isip niya na pwede niya gawin ang ganito kahit kelan niya gusto. What if gusto niya akong yakapin o halikan kahit nariyan ang mga pinsan ko? Ikamamatay ko yata kapag nangyari yun.

"Kaden, look... Oo tayo na, pero we should hide our relationship to everyone. No one must know." Sabi ko. Lumapat ang hinlalaki niya sa pisngi ko at sumilay ang mapaglaro na ngiti sa kanyang labi.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon