Part 11: sing

3.8K 101 2
                                    

Ang byahe papunta sa Lawa ay napaka mabato. Para kaming nasa roller coaster ride tuwing napapadaan kami sa malalaking bato. Mukhang hindi nga makakadaan rito ang maliliit na sasakyan, lalo na ang maliliit ang gulong.

May ilog din kaming nadadaanan at nilulusob iyon ng sasakyan. Napapakapit ako sa aking upuan tuwing may ganun kaming nadadaanan.

"Are you okay?" Nilingon ako ni Mike. Tumango lang ako at pilit na ngumiti. I'm not an adventurous type of person. Hindi ako mahilig sa mga ganito. Kahit noong bata kami ay hindi ako nag eenjoy tuwing pumupunta kaming pamilya sa Disneyland. "You looked so scared." Aniya tila nag aalala sa akin.

"Matatakutin yan." Napatalon ang balikat ko sa narinig mula sa likod. It was Kaden. Paano niya nalaman ang ganoong side ko samantalang pakiramdam ko dati ay hangin lang ako na dinadaan daanan niya, inaasar niya kapag nasa mood siya at inaaway naman kapag wala sa mood.

"Malapit na rin tayong dumating. Kumapit ka lang." I smiled at Mike. He looked so concern and sincere. Mabait talaga siya. Naka suot siya ngayon ng ball cap kaya hindi ko masyadong makita ang mga mata niya tuwing lumilingon siya sa akin.

Nakarinig pa ako ng tikhim sa likuran. Lumingon ako doon at nakita kong nakasandal si Kuya Dealan sa balikat ng babae. Tulog siya. Nang tumama ang mata ko sa babae ay ngumiti siya. She seemed nice though. Dumapo ang mata ko kay Kaden at matalim niya akong tinitigan na para bang nakikipagtagisan sa pagtitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero nag igting lang ang panga niya. Kaya ay ibinalik ko na lang ang atensyon sa daanan.

Nang maaninag ko ang kislap ng tubig sa di kalayuan ay nilabas ko agad ang aking cellphone para kuhanan ito ng litrato. Iyon na siguro ang Lawa. Medyo malayo pa kami pero abot na rito ang kislap ng tubig mula roon.

"We're almost there." Sambit ni Mike.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na rin ang Wagon. Nasa labas na ang mga sakay noon. Si Trish ay nakapamewang na nag aabang sa amin. Si Ate Angel ay naninigarilyo lang at nakasandal sa kanyang sasakyan. Si Gia at Perri ay magkahawak kamay at nakaabang rin.

Huminto ang pick up sa likuran ng Wagon. Lumabas na agad kami para mas lalong makita ang lawa.

Holy Gods. What an amazing view! It's breathtaking! Bilog na bilog ang lawa na para bang abot mo ang dulo nito. The water is also crystal green na may pagka blue. Malalaking puno ng mangga ang nakapalibot sa buong lawa. Bago mo maabot ang tubig ay may mga kawayang kahoy na nagsilbing sahig sa palibot nito. Napaka ganda talaga.

"Ang saya sa likuran ng pick up." Anunsyo ni Kuya Kaezer.

"Ang daya! Dapat dun din ako sumakay eh." Ngumuso si Trish.

"Bilisan niyo na at ayusin na ang mga tents. Ilang sandali ay didilim na." Sigaw ni Perri. Naroon siya sa may bandang pick up. Binato niya ang isang malaking bag kay Mike. Ang mga boys ay dumiretso na rin doon para idiskarga ang mga gamit.

May malaking bato sa gilid kay ay naupo muna kami roong mga babae.

"O diba? Sabi sa inyo, magiging masaya tong trip na to." Maligayang sambit ni Gia. Tumango ako dahil tama siya. Sa ganda ng lugar ay nag enjoy na ako.

Lumapit sa amin si Kuya Kieran. May bitbit siyang mga kahoy. Nilapag niya iyon sa harapan namin.

"Girls, would you mind, kayo na ang mag asikaso ng bonfire? Walang ilaw rito kaya kailangan natin yan kapag dumilim na." Mabilis kaming tumango ni Trish at nilapitan ang mga kahoy.

"May lighter ba tayo?" Tanong niya sa akin. Napahinto kami sandali at napalingon kay Ate Angel. Of course she has a lighter. She smokes!

Nang malingon kami kay Ate ay mabilis niya binato ang lighter niya sa amin na para bang alam na niya ang naisip namin. Sinindihan namin ang mga kahoy at agad itong nagkaroon ng apoy.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon