Part 20: first date

3.8K 117 3
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas noong nangyari ang trip namin sa Zantander. Araw araw tuwing magkasama kami ni Kaden, kasama ang mga pinsan namin ay laging tumatakbo sa isip ko kung ano nga ba ang pwede kong iregalo sa kanya sa kanyang birthday. Bukas na ang birthday ni Kaden at wala pa rin  akong maisip na regalo para sa kanya.

Nandito kami sa Mall ngayon ni Trish at Gia. Naisipan kasi naming mag shopping ngayong araw. Ang sabi pa ni Kaden ay sasama siya pero ayaw ng mga pinsan ko. Girls day out daw ito at bawal ang lalaki. Hindi na nga sinama ni Gia si Perri ngayon kahit na halos araw araw na magkakasama kami ay laging present si Perri. Kaya ay kinumbinsi ko na din si Kaden na huwag na muna siyang sumama sa amin. Masyado na rin kasi kaming palaging magkasama at baka mapaghalataan na kami.

Nandito kami sa isang boutique ng mga damit. Nag susukat si Gia sa loob ng fitting room habang ako ay nakaupo lang sa labas noon, hinihintay siya. Si Trish ay nakatayo at bitbit ang mga napiling damit para sukatin. Hinihintay niya lang matapos si Gia na magsukat.

"Cady, tutal ay mukhang close naman kayo ng kapatid mo, ano sa tingin mo ang plano niya bukas sa birthday niya? We are convincing him to have a party, pero may lakad daw siya eh." Ani ni Gia ng lumabas galing sa fitting room at pinasadahan sa salamin ang sinukat na damit. "This dress is cute, i'll take this." Ngumiti siya sabay baling uli sa akin na para bang hinihintay ang maaaring sagot ko.

Pinaglaruan ko ang daliri ko bago sumagot sa kanya. Maging ako ay wala din kasi talagang ideya kung ano ba ang plano ni Kaden. I don't want to assume anything. Wala din kasi siyang nababanggit sa akin.

Nagulat pa ako ng saktong nagtext sa akin si Kaden. Sinagot ko ang tanong ni Gia bago ko buksan ang mensahe ni Kaden.

"I-i don't have any idea Gia. Wala din siyang nababanggit sa akin eh." Tumaas ang isang  kilay niya sa akin at bumalik ang atensyon sa sariling repleksyon sa salamin.

"Maybe he'll celebrate his birthday with his girlfriend? But i don't think he has any though." It was Trish. Nangangati na akong buksan ang mensahe ni Kaden pero nadidistract ako dahil pinag uusapan namin siya ngayon.

"Yeah, he just got back here.. Impossibleng may girlfriend yun. Hmmp! Maybe he's not into party?" It was Gia again.

Wala akong ibang masabi. Para bang kailangan may sabihin din ako pero hindi ko mapatagpi tagpi ang dapat kong sabihin. It felt so awkward knowing that i know the answers to their questions. That yes, Kaden has a girlfriend and that is me. Nagbuntong hininga ako.

"He is into party noh! Ang alam ko lagi siyang gumigimik doon sa States. Bahala na nga siya kung ayaw niya tayong makasama sa birthday niya!" Padabog na bumalik si Gia sa loob ng fitting room. Pumasok din doon si Trish kaya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na basahin ang mensahe ni Kaden.

Kaden:
Are you guys done? Can i pick you up later?

Kinagat ko ang labi ko at nagtipa ng sagot.

Me: 
We are not yet done. Baka ihatid ako nila Trish sa bahay.

Segundo lang at nakapag reply na kaagad siya. Napangiti ako. Wala siguro siyang ibang magawa ngayon. I wonder where he is right now though.

Kaden:
Please let me pick you up...

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ano naman ang sasabihin ko sa mga pinsan ko kung bakit ako susunduin ni Kaden? Or maybe i'll just lie and tell them that i have some errands to attend to. Maniniwala kaya sila sa akin? Napakamot ako sa ulo ko ng maabutan ako ni Trish na ngayon ay lumabas galing sa fitting room. Suot niya na rin ang sinukat na damit.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon