Matapos ang party ni Yuriko ay naging abala na ako sa paghahanda sa aking nalalapit na Debut.
Minsan isinasama ako ni Mommy sa mga food tasting at sa mga hotel na balak niyang pagganapan ng aking kaarawan.
Kompleto kaming magkakapatid ngayon. Nasa loob ako ng fitting room habang ang tatlo kong kapatid ay nagsusukat din ng kanilang tuxedo.
Pinasadahan ko ang aking sarili suot ang bonggang gown na kulay pink. Pinasadya ito para sa aking kaarawan. Para akong isang prinsesa sa sobrang malobo ng gown na ito. Sikat ang designer kaya hindi mapagkakailang magiging maganda ang kalabasan ng gown ko.
Lumabas ako sa fitting room. Sinalubong agad ako ng designer at may kaonting touch up lang siyang ginawa. Ngumiti ako kay Kuya Kaezer na ngayon ay nakatingin sa akin. He gave a thumbs up kaya tumango ako.
Inutusan ako ng designer na umikot, iyon ang ginawa ko. Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung paano lumabas ang ibat ibang kulay ng butterfly beads sa ilalim at gilid ng tela nitong gown kapag umiikot ako. This gown is extraordinaire!
"Kapag isasayaw ka na sa 18 roses kailangan may ikot kang gagawin kada sayaw para lumabas ang kagandahan nitong gown." Sabi pa ng designer. Nagpasalamat ako sa kanya at tumango.
Diretso ang tingin ng designer sa aking likod kaya ay napalingon ako sa gawi nito. I saw Kaden leaning on the side of the door. Nakapasok ang mga kamay niya sa kanyang bulsa. He looked so good with his tux. Bumagay ang kulay pink na neck tie niya sa kanya. Ang gwapo talaga! He smirked when he noticed that i'm checking him out kaya ay tumaas ang kilay ko. He is enjoying every moment of it, seeing me so attracted to him.
Umikot ako at pinakita ko sa kanya ang kakaibang nagagawa ng gown ko. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang ibabang labi niya. Tumango siya ng dahan dahan.
"What can you say?" Tanong ko.
"Butterflies." Tango tango niya. Ngumiti ako at nilapitan siya. Inayos ko ang necktie niya at alam kong gustong gusto niya ang ginagawa ko.
"You should put a butterfly in here." Tinuro ko ang maliit na bulsa ng kanyang tux sa bangdang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ko na naroon.
Napatalon kami pareho ng marinig ang isang tikhim sa gilid. It was Kuya Kieran. Tapos na siyang magsukat at ang gwapo niya rin lalo sa kanyang suot na tuxedo.
"Cayd, can you fix my tie?" Ani ni Kuya Kieran kaya ay dinaluhan ko siya. Nag iwas ng tingin si Kaden at umalis na doon sa kanyang pwesto. Siguro ay magbibihis na siya.
"Have you talked to Mike? Siya ang escort mo hindi ba?" Casual na tanong ni Kuya. Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko pa nakakausap si Mike. Tsaka nabigla lang naman talaga ako noon ng yayain ko siyang maging escort ko. But i guess i have no other choice. I cannot just tell them that i want my brother to be my escort, right? I have three brothers and that would be unfair.
"Hindi pa. Siguro mamaya, kausapin ko siya."
"May susuotin na kaya siya?"
"Siguro... Pero ipapaalala ko na lang ulit sa kanya Kuya."
"Okay, you better be." Tumango na lamang ako sa aking kapatid.
Matapos namin sa pagsusukat ay dumiretso na kami sa bahay nila Yuriko. May bago kasi siyang motor at sabik na sabik siyang ipakita sa amin iyon. But when we saw the motorbike ay hindi na kami nagulat na Ducati ito at kaparehang kapareha ng kay Ate Angelica.
"You can just ask for Angelica's old bike dude. Bumili ka pa ng bago." Ani ni Kuya Kaezer sa pinsan.
"She got rid of it. Ibinigay niya yata sa iba. Even her Wagon, wala na dito." Sumandal si Yuriko sa kanyang bagong motor. Kami ay nakaupo lamang sa upuan sa kanilang garden.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.