Sa huli ay hindi ko na rin napigilan si Kaden sa pagpapalagay ng tattoo. Gustong gusto ko siyang pigilan. Gustong gusto ko pero natatakot ako na baka mapahiya lang ako. Hindi ako ang taong makakapigil sa kanya.
I remember when he decided to study abroad. Ayaw ni Mommy, pero gusto niya kaya wala ng nagawa ang ina namin. He's stubborn and spoiled. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha niya. He doesnt even need to tell what he needs, kusa iyong binibigay ng magulang namin.
And this... Stopping him for doing what he wants ay impossibleng mangyari.
Walang kirot sa mga mata niya habang nilalagyan siya ng tattoo. He was just there, looking straight into my eyes. Nahihiya ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin kaya hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang mga mata ko. His eyes were so intense. I can't even stand looking at them for too long. Para akong natutunaw.
Matapos ni Kaden ay inakbayan siya ni Yuriko. Binati siya sa una niyang tattoo. Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan sila. I'm still shocked.
Umupo na si Yuriko sa upuan kung saan nakaupo kanina si Kaden. Nagbuntong hininga ako. I need to stop him making a mistake by putting my name on his arm.
"Yuri..." Malumanay kong sambit sa pinsan ko. He laughed and then he nodded.
"Alright, i won't put your name!" Dipensa niya.
"Good." Sabi ko na lang at saka umalis doon.
Pinasadahan ko ang paligid baka sakaling makita ko sina Gia at Trish. Dumarami na ang tao at halos di ko na makita ang mga hinahanap ko. I decided to go inside and look for something to drink. I mean some water. Hindi kasi ako umiinom ng alak. Tuwing may lakad kaming magpipinsan ay pineapple juice lang ang iniinom ko. Lagi nila akong sinasabihan ng KJ pero wala lang sa akin yun.
Pumasok ako sa malaking kusina at nakita ko ang iilang katulong doon. Tinanguan ko lang sila at nginitian. Dumiretso ako kung nasaan ang ref at kumuha ng maiinom doon. Sinalin ko ang tubig na nasa pitcher sa baso. Lumapit ako sa counter upang tumukod.
"Cady, bakit hindi ka magsaya doon sa labas?" Ani ng katulong sa akin.
"Naku, hindi naman po ako umiinom at tsaka puro usok ng sigarilyo ang naroon." Uminom muli ako ng tubig sa aking baso.
"Si Angel talaga, party niya ito pero wala siya rito." Nilingon ko si Manang. Kumunot ang noo ko. Totoo bang wala dito si Ate Angel?
"Eh nasaan po siya?"
"Nasa kwarto niya. Lagi namang nagmumukmok yun dun." I see. Ate Angel's been like that since last year. Since her heart was broken. Kaya pala mailap na muli siya sa amin.
Napagpasyahan kong puntahan si Ate Angel sa kwarto niya. Umakyat ako sa engrande nilang hagdanan. I never been to her room. I just want to see what's inside and whats shes been doin'.
Nang dumating ako sa ikalawang palapag ay parang maliligaw ako sa dami ng pintuan. Ganito din naman kalaki ang bahay namin pero hindi ganito karaming kwarto. Huhulaan ko na lang kung nasaan ang kwarto ni Ate Angel rito.
When i saw a skull hanging in a door knob i knew its her room. Kinatok ko iyon. Ilang katok pa ang ginawa ko pero walang sumasagot. Pinihit ko ang knob pero na ka locked ito.
"Yuriko! I'll fucking slice your head off! Stop bothering me! Sabi kong hindi ako bababa!" Halos mapatalon ako sa narinig mula sa loob. Shit! I don't want to make her mad. It's going to be the end of me.
Pero narito na ako kaya gagawin ko na ito. Magbabakasakali lang namang papasukin niya ako. Maybe she needs someone to talk to.
Nagbuntong hininga ako bago ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.