Nung gabing iyon din ay napagdesisyonan naming dalawa ni Kaden na umalis.
Sakay sa bagong sasakyang niregalo niya sa akin ay umuwi kami ng bahay. Sinamantala naming nasa Hotel ang lahat mag s-stay.
Nang makapag parada sa loob ng Mansyon ay sabay kaming tumakbo paakyat sa aming kwarto.
Nang tumapat kami sa aking kwarto ay tinanguan lang niya ako na para bang sinasabing gawin ko na ang dapat kong gawin. Kaya iyon ang ginawa ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha agad ang pink na luggage sa aking walk in closet. Sinalpak ko doon ang kung anong damit ang una kong makita. Mga panties, bras. Isang sapatos lang ang inilagay ko at kaonting gamit sa pagligo at make up.
Nanginginig ako habang ginagawa ko iyon. Hindi ako makapaniwalang gagawin nga talaga namin ni Kaden ang lumayo. I guess this is the most easy way to get through this. I mean, kung malalaman ng lahat na nagtanan kami, ibig sabihin malalaman na rin nila ang relasyon namin. Dahil malayo kami sa kanila ay hindi na namin kailangan munang harapin ang galit o ano mang maramdaman nila.
Bago ako tuluyang lumabas sa aking kwarto ay pinasadahan ko ang buong paligid. I will surely miss everything in here. I will miss this house and everybody who's living in here. I will miss all of them.
Pumihit na ako palabas ng aking kwarto. Halos sabay lang ang paglabas namin ni Kaden, galing rin siya sa kanyang kwarto. Malaking maleta ang dala niya. Iyon iyong dala niya galing U.S.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang luggage ko. Walang kahirap hirap niya itong ibinaba sa aming engrandeng hagdanan.
Halos maputol na ang ugat sa aking puso ng biglang bumukas ang ilaw ng nakababa na kami.
"Kaden? Cady?" Ani ni Yaya at inayos ang salamin niya. Mukhang nagising pa yata namin siya.
Nakahinga ako ng maluwang. Akala ko si Mommy na o di kaya isa kina Kuya Kieran at Kuya Kaezer.
"Tapos na ang party? Bakit may dala kayong maleta?" I hugged Yaya. Mamimiss ko siya.
Nakita kong dumiretso na si Kaden palabas ng bahay. Nagtataka akong tinitigan ni Yaya. Wala akong ibang masabi sa kanya.
"Ya, matulog na po ulit kayo... Gabi na po." I hugged her again and then i jogged all the way down to where Kaden parked the car.
Nakabukas ang ceiling ng sasakyan at nakita kong nag aabang na doon si Kaden sa akin. Sumakay na rin ako at nilingon ang mga maletang nasa back seat. Pinasadahan ko ang buong Mansyon mula sa harapan nito.
Naalala ko noong unang dinala ako ni Daddy sa bahay na ito. I was so scared back then. Pero hindi niya binitawan ang kamay ko buong byahe pauwi ng Pilipinas hanggang sa makarating kami dito sa Mansyon. He made sure i felt safe and he succeeded. And being in Kaden's arms is the safest place i feel right now.
Pinaandar na ni Kaden ang kotse at tuluyan na kaming nakalabas ng aming gate. He held my hand while he was driving. He gave me a comforting smile as if telling me that everything will be alright. And i believe him. I trust him with all my life right now, like how i trust him with my heart and soul.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig na ako sa hampas ng hangin mula sa byahe. Nagpalit naman na ako ng pantalon at jacket pero nilalamig pa rin ako.
"Are you cold?" Tanong niya at naramdaman kong umangat ang ceiling ng sasakyan. Tumakip ito at nagkaroon ng bubong. "Magpahinga ka na. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." Humikab ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko pa lang naramdaman ang antok at pagod. Tumango ako at tinagilid ang aking ulo upang makatulog na.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.