Part 30: amount

3.2K 94 2
                                    

Pawis na pawis ako ng makalabas ng powder room. Ilang minuto pagkalabas ko ay lumabas na rin doon si Kaden.

Tapos na palang sukatan si Mike kaya ay nakaupo lamang siya doon sa sofa na inupuan namin kanina. Tumayo siya ng makita ako at inumwestra na ang labas. Nagpaalam ako sa designer bago kami pumihit paalis.

Inabot ko kay Mike ang invitations sa aking Debut bago siya pumasok sa kanyang sasakyan. Tinitigan niya ito at tumingin sa akin.

"Invite your sister and your cousins. Si Perri ay invited din." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Okay." Tipid niyang sambit at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan. Sobrang nakakapanibago ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Kilala ko siya bilang mabait at maalalahanin na Mike. He's so different from the Mike i first knew.

Ilang araw na lang ay magaganap na ang Debut ko. Hindi ako makapaniwala na magiging legal na ako. I mean, i don't care if i'm legal or not, wala pa rin namang magbabago sa akin.

Sa ilang araw na lumipas ay mas lalo akong naging busy. Lalo na sa pamimigay ng mga invitations. Sinasamahan ako ni Kaden kapag nag h-house to house ako sa mga dati kong kaklase at mga kaibigan.

I also gave my cousins extra invitations para kung sakaling may gusto silang isama sa aking party ay pupwede. I'm sure Yuriko will need more invitations, para sa mga babae niya.

"Cady, you should sleep early... Kailangan mo mag beauty rest." Ani ni Mommy ng magawi siya sa activity room dito sa bahay.

Narito kasi ang mga pinsan ko bahay, dito sila nag dinner kanina, kaya kami narito ngayon sa activity room.

"Yes My... Maya maya po." Tumango si Mommy sa sinabi ko. Takot lang siguro siyang mapuyat ako bukas sa aking party. Yes, bukas na ang party ko at hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman. I wish Daddy is here with us though. Sana siya ang first dance ko sa aking 18 roses. Na mimiss ko lalo siya ngayon.

Nang makalabas si Mommy sa activity room ay nag ingay muli ang mga pinsan ko. Nag lalaro ng billiards si Kuya Kieran at Franky. Si Yuriko at Kuya Kaezer naman ay naglalaro ng Xbox. Kuya Dealan is not here dahil tinapos ang mga kailangang tapusin sa school. Graduating na kasi siya at siya na ang magiging President ng kanilang kompanya. Nangako naman siya na darating siya sa aking kaarawan bukas at sinabi niya pang may susuotin na rin siya. Kuya Nerjie is not here too, may inaasikaso siya dahil matapos kasi ang Debut ko ay uuwi na siya ng Amerika. Ate Angel is here though, pero parang hindi rin siya nandito dahil mag isa siyang umiinom doon sa may gilid, halatang ayaw niyang magpaistorbo o may makausap.

I'm glad Gia and Trish is here with me. Nag uusap kami tungkol sa susuotin nila bukas. Excited na rin sila tulad ko.

Kaden is also not around. May pupuntahan daw siya kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Hindi na ako nagtanong pa kung saan siya pupunta dahil hindi ko naman trabaho ang malaman ang lahat ng kilos at lakad niya.

"I'm sure Cady will love my present for her." Anunsyo ni Gia. Trish just rolled her eyes on her sister.

"Gia, ang daldal mo talaga. Kating kati kang sabihin iyong gift mo!"

"Sinabi ko ba? Hindi naman diba?" Aba't mukhang nagkakainitan pa ang magkapatid. Tumawa na lang ako para mas maging cool ang mood nilang dalawa.

Bumalik muli si Mommy upang silipin kami sa activity area at pinilit na matulog na ako dahil bukas na ang party ko. Wala akong magawa kundi sumunod sa kanya.

Nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at mga pinsan. They wanted to wait til 12 midnight so they can greet me on my birthday pero kailangan ko na talagang matulog. Ayaw ko kasing ma stress pa si Mommy dahil sa lahat ay siya ang pinaka abala para sa aking gaganaping party bukas.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon