Ilang oras din kaming nagbabad sa tubig ng lawa. Malamig iyon pero hindi gaano, sapat lang para maka pag stay kami roon ng matagal.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nangyari at mga sinabi ni Kaden sa akin kagabi. Hinihintay ko siyang maligo kanina pero hindi siya nagpakita. I wonder where is he now. Pero nasagot lang ang tanong ko ng pauwi na kami.
Lumabas si Kaden sa brown na tent. Halatang kakagising lang niya ng mag umpisa na kaming mag impake ng mga gamit.
Hinuhuli ko ang paningin niya pero hindi niya ako tinitingnan. Galit ba siya? Galit ba siya sa akin?
"Cady, ayos na ba lahat ng gamit mo?" Tanong sa akin ni Mike sa aking gilid. Nilingon ko ang back pack ko sa likod at nginitian si Mike. Tumango siya at na gets na agad ang sagot ko.
Lumingon muli ako sa gawi ni Kaden na ngayon ay kinakalas ang tent na kulay brown. Tinutulungan siya ni Kuya Nerjie doon.
Basa pa ang mga buhok namin at halatang napagod sa ginawang paglangoy. Si Yuriko lang yata ang walang kapaguran at kung ano anong kinikwento doon sa likod ng pick up. Nakaupo na kasi roon sina Kuya Kieran,Kuya Kaezer at Franky. Nakatayo naman sa harapan nila si Yuriko na panay ang kwento, with matching actions pa talaga.
Lumapit ako doon at humilig sa gilid ng pick up. Kumaway sa akin si Gia at Trish ng papasok na sila ng Wagon. Kumaway rin ako sa kanila. Umalis na agad sila matapos iyon.
Nang matapos ng iligpit nila Kuya Nerjie at Kaden ang tent nila ay nakita kong papalapit na sila sa pick up. Tumayo ako ng maayos, inaabangan ang pag dating nila.
Ginulo ni Kuya Nerjie ang buhok ko sa tuktok ng nakalapit na siya. Tiningnan ko si Kaden na ngayon ay nakangisi at nakatingin sa itaas kung nasaan si Yuriko. Gusto kong makitang nakatingin siya sa akin. Gusto kong makita ang mga mata niya, pero nabigo ako. Nilagpasan niya ako ng hindi man lang tinitingnan.
Nilagay nila ang natuping tent sa pick up. Nakita kong pumasok na rin si Mike sa loob ng driver seat. Hinintay ko si Kaden para sabay na kaming pumunta sa harapan pero nakita kong umupo siya sa tabi nila Kuya Kieran. Naroon na siya sa likuran ng pick up. His elbows are on his knees, tulad ng pwesto ng iba. Hinilamos niya ang mga palad niya sa kanyang mukha at nanatiling nakaganon.
"Cady, pasok na. Ikaw na lang hinihintay." Bumukas ang passenger seat ng pick up at dumungaw si Kuya Dealan doon mula sa loob. Tumango ako at tiningnan muli si Kaden bago dumiretso sa front seat.
Nang makapasok ay nakangiti si Mike nang makita ko. "Nag enjoy ka ba?" Tumango ako sa kanya at ngumiti na rin. Wala akong ganang magsalita. Parang nawalan ako ng gana sa kahit na anong bagay. Hindi ko alam kung bakit.
Panay ang kwentuhan at ka sweetan ni Kuya Dealan at Remma sa likod namin. Nainis ako bigla. Thinking that Kaden didn't sit at his seat the last time.
Ang masaya sanang byahe pauwi sa Villa ay hindi ko na naenjoy. Maraming gumugulo sa aking isipan. Ang mukha ni Kaden ng sabihin niya sa aking mahal niya ako. Ang mga mata niyang namumula dahil sa luha. Sa yakap niya sa aking likuran. Sa init ng hininga niya sa aking leeg. Goddamn it!
Naiinis na ako sa sarili ko. Dahil maging sa pag balik namin sa Villa ay hindi ko na alam kung bakit ba panay na lang ang pag sunod ng mata ko sa kay Kaden. Gusto kong ihampas ang ulo ko sa kamang kinauupuan ko ngayon.
Nag ayos ng mga gamit sina Gia at Trish. Si Ate Angel ay diretso ang higa sa kama at siguro nakatulog na. Nakatakip kasi ng unan ang mukha niya.
"Ang mga pinsan ni Perri ay dadating daw mamaya sa tanghalian." Rinig kong sambit ni Gia.
"Ha? So marami pa silang magpipinsan tulad natin?" Tanong naman ni Trish.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.