Nanghihina ako ng ako ay magising. Nakatulog pala ako habang kausap ko kanina si Kaden. Nagulat ako ng halos lahat pala ay nandito na sa loob ng kubo. Naghahanda na sila para sa hapunan.
Gabi na at madalim na. Hindi ko na tanaw ang tubig na umaagos sa Talon mula rito sa aking pwesto. Ang iilang kandila ang nagsilbing ilaw namin dito sa loob ng kubo.
Pinasadahan ko ang katawan ko na ngayon ay balot na balot ng tuwalya. Hindi lang yata dalawa ang tuwalyang nakabalot sa akin kundi tatlo o apat. Sinubukan kong umupo pero biglang sumakit ang ulo ko.
"Gising na si Cady." It was Kuya Kaezer. Lumapit siya sa akin at napansin ko na ang buong atensyon nilang lahat ay nasaakin ngayon.
Humiga muli ako at hinawakan ang aking noo. Sabi ko na nga ba at mukhang magkakasakit ako eh.
"You have a fever Cayd." Nag aalalang sambit ni Kuya Kaezer at umupo sa harapan ko. Tumango ako dahil ramdam ko na ang panghihina ng aking katawan. "Buti na lang, nandito si Kaden kanina ng mag faint ka. Eh lahat kami nasa kweba kanina." Kumalabog ang mainit kong puso sa sinabi ni Kuya. Kaden took care of me?
Agad hinanap ng mata ko si Kaden. Mabilis ko siyang nakita dahil naroon siya katabi ng humahagikgik na Vanity. I bit my lower lip to suppressed something inside of me. I don't want to say it, but i think i'm jealous. Naiinis ako tuwing nakikita ko silang magkasama. Naiinis ako tuwing nakikita kong nakangiti at mukhang masaya si Kaden kasama ang babaeng yun. Galit ako ng naglandian sila sa harapan ko kanina. Yeah, i think i'm really jealous. And damn, i shouldn't be!
"Kumain ka na Cady, para pagkatapos ay makabalik na tayo sa Villa. Doon may gamot si Lola." Sabi ni Mike na nilapitan na rin ako. Tumango lang ako at inalalayan ako ni Kuya Kaezer upang makaupo.
"Here... " inabutan ako ni Trish ng pagkain. Tinanggap ko iyon at tinitigan lang. Wala akong gana na kumain. "Alam kong wala kang gana but you need to at least eat something... Kahit onti lang." Tinanguan ko si Trish at saka nag umpisa ng sumubo. Tamad kong nginuya ang pagkain. Kalaunan ay tatlo o apat na subo lang yata ang nakain ko.
Nang sa wakas ay natapos ng kumain ang lahat ay nag ayos na sila ng mga gamit. I'm still wearing my two piece bikini underneath these towels though. Lumapit si Kuya Kaezer muli sa akin at inalalayan akong sumakay sa bangka. Kasama yata ako sa mga unang tatawid.
Lumapit ako sa bandang bukana kung nasaan ang bangka. Hawak ako ni Kuya Kaezer sa may bewang at nakaakbay naman ako sa kanya. Nakita kong naroon na pala si Kaden sa may bangka, nakatayo at mukhang hinihintay ang kung sinong sasakay para maalalayan.nang makita niya kami ni Kuya Kaezer na papalapit ay mabilis nagbago agad ang ekspresyon niya. He looked angry and pissed. Nakalahad ang kamay niya sa ere para salubingin ako. "I can handle her Kaezer." Matigas na sambit ni Kaden. Inabot ko ang kamay niya at saka pa lang ako binitawan ni Kuya Kaezer.
Inalalayan niya ako at hinawakan ang bewang ko ng makababa ako sa bangka. Pinagbalanse namin ang aming mga katawan dahil umaalog ang bangka. Diretso ang mga kamay ko sa dibdib niya para magkaroon ng makakapitan. His arms are all over my hips. Napaso ako sa mga titig niya kaya ay mabilis akong kumalas sa naging pwesto namin.
At kung minamalas ka nga naman ay nahulog pa ang mga tuwalyang nakabalot sa akin. My almost naked body is exposed right in front of my brother's eyes. I thought he will stare at my body but i was wrong. Mabilis siyang lumapit sa akin at pinulot ang mga tuwalya. Niyakap agad niya ako gamit ang mga ito para takpan ang katawan ko. Right Cady! Your body is not good enough for him to drool over. Hinding hindi ka niya pupurihin tulad ng pag puri niya kay Vanity noong naka two piece bikini lang siya. Asa ka pa. I bit my lower lip to brushed off what my mind is telling me.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.