"Cady, you're always late!" Bulyaw ni Mommy ng pababa ako ng hagdanan. Pasan ko ang mabigat kong bag sa aking likuran. Hirap akong bumaba at humalik sa kanya ng tuluyang nasa dulo na ako ng hagdanan. Nakapamewang siya at halatang naiinis na naman sa akin dahil sa kabagalan kong kumilos.
Dumiretso ako sa loob ng aming sasakyan. Kinuha ng driver ang aking bag at inilagay iyon sa likuran ng sasakyan. Binuksan ko at inislide ang pintuan ng aming van. Sa loob ay naroon na ang aking mga kapatid. Si kuya Kieran, ang panganay sa amin. Nasa pinaka dulo siya sa harapan ko. Kings seat kasi ang nasa unahang upuan kaya dalawa lang ang maaring umupo roon. Si kuya Kaezer naman ay nasa isang king seat na kaya wala na akong choice kundi ang tumabi na nakabugnot kong kapatid na si Kuya Kaden sa likuran.
Dahan dahan akong pumasok at umupo sa tabi ni Kuya Kaden. As usual mainit palagi ang ulo niya sa akin. Siguro dahil tinanggalan ko siya bilang bunso sa pamilya.
Sumilip si Mommy sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin iyong driver namin sa driver seat.
"Okay, all set. Mag ingat kayo." Tinapik ni Mommy ang sasakyan at sinarado na ang pintuan. Umandar na ang sasakyan at nilingon ko si Mommy na kumakaway sa aming sasakyan na unti unti ng lumalayo.
Ganito palagi ang eksena tuwing umaga kapag papasok kami. Tatlong taon na rin ako sa pamilya ng mga Montealto. Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng iuwi ako ni Ginoong Montealto sa kanilang bahay. He is a soldier and not just an ordinary soldier. Mataas ang posisyon niya at palagi siyang sumasabak sa mga giyera. Sa lugar sa amin sa Brazil niya ako natagpuan. My parents were killed. Sabi nila ang magulang ko daw ay isa sa pinaka wanted na mga tao sa buong mundo.
Iyon na lang ang pinaniwalaan ko. I was young back then. Seven years old ako ng makita ako ni Daddy sa ginawa nilang operasyon sa aming bahay noon.
Naalala ko noong gabing inuwi niya ako sa kanila sa Pilipinas. I was so scared and holding my dad's hand kept me safe. Iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya, daddy.
Pero tuwing tinatawag kong Mommy si Mrs Montealto ay palaging ngiwi at galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Masakit. Parang may mga insektong kumakagat sa aking puso ng paunti unti.
Hindi naman naging mahirap ang pag aadjust ko sa pagiging parte ng buhay nila. Kuya Kieran and Kuya Kaezer made everything so easy for me. Para silang nagkaroon ng instant kapatid na babae. Sinasali nila ako sa mga laro nila, pinapahiram din nila ako ng kanilang mga laruan. Except for Kuya Kaden. Pareho sila ni Mommy, malamig ang pakikitungo nila sa akin.
Nang dumating na kami sa school ay mabilis lumabas ng sasakyan si Kuya Kaden. Tumakbo na siya kung saan ang classroom niya. Nilingon ko ang daan kung saan sya nag punta at saka bumaba ng sasakyan.
"Cady, you good right? Just be on time when the driver arrived at this exact spot." Tumango ako sa sinabi ni Kuya Kaezer.
"Yes, kuya." Masigla kong sagot.
Ginulo ni Kuya Kieran ang buhok ko at nginitian ako at saka na sila umalis. Dumiretso naman ako sa aking classroom at nagpatuloy sa araw na ito.
Nang mag uwian ay ako ang naunang lumabas ng sasakyan at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Ngayon daw kasi ang dating ni Daddy from his mission. Pag pasok ko pa lamang sa loob ay maraming tao na ang naroon. May mga nakaunipormeng pang pulis at ang mga katulad ng uniporme ni Daddy. Siguro ay may celebration!
"Daddy?" Lumabas sa aking bibig iyon at lahat sila ay napalingon. Unti unti silang umusog at kitang kita ko ang umiiyak na si Mommy sa sofa.
Tatakbo na sana ako para lapitan siya ay naestatwa ako ng makitang mabilis na tumakbo si Kuya Kaden doon at dinaluhan si Mommy. I feel like, i shouldn't join them. That i have no right to join them. Pati sina Kuya Kaezer at Kuya Kieran ay dumulog na kay Mommy. She was crying hysterically at dahil doon ay parang kinurot ang puso ko. Something is not right. Lumingon ako at hinanap si Daddy. He should have been here already, comforting his wife.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomansaIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.