Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan ni Kaden. Muntikan na silang mag away ng Perri na yun! I don't know if i'll be happy about it or what. Dahil sa wakas naramdaman ko na may halaga din pala ako sa kapatid ko. That he still care about me after all. Masyado lang talaga din kasing presko iyong manliligaw ni Gia.
Nilingon ko si Gia na nasa aking tabi ngayon. Nakahulikipkip siya at alam kong galit siya dahil sa nangyari. Nilingon kami ni Trish na nasa front seat ngayon. She looked so worried.
"Ihahatid ko na kayong dalawa sa bahay niyo." Malamig sa sambit ni Kaden at saka pinaandar ang kotse niya.
Nagbuntong hininga ang dalawang magkapatid ng sabay. Alam kong ayaw pa nilang umuwi dahil friday ngayon. Wala rin namang pasok dahil summer na.
Then my phone rang. Inilabas ko iyon sa aking bag at nakita kong tumatawag si Yuriko. I answered it immediately.
"Yes, Yuri?"
Maingay sa kabilang linya. I don't know what's going on at kung ano ang pakay niya.
"Cady? Where are you guys?" His voice was husky. Nararamdaman kong pinapanood ako ni Kaden sa rear view mirror. Nagkibit ako ng balikat dahil baka guni guni ko lang iyon. Ayaw ko namang lumingon dahil baka nga nakatingin siya at makita ko pa.
"Ihahatid namin ni Kuya Kaden sina Gia at Trish sa kanila. Why? Nasaan ka ba?"
"Tell him, let's hang out!" Excited na sambit ni Gia sa aking gilid. Nawala na ang badtrip niya at nagsalita na muli siya.
"Ate Angel is having a party later dito sa bahay. Punta kayo. Invite anyone you like." Ani ni Yuriko.
"Ate Angel is having a party daw." Sabi ko sa kay Trish na ngayon ay nakatingin sa amin mula sa harapan. Nakita kong tumango siya at parang excited sa narinig. "Okay. I'll tell them. See you." At saka binaba ko na ang tawag.
Excited ang dalawang magkapatid na usisain ang usapan namin ni Yuriko. Hinihintay nilang magkwento ako.
"We can invite anyone daw." Sabi ko na lang.
"So i can invite Perri?" Excited muling tanong ni Gia. Sabay kaming umiling ni Trish.
"Stay out of that man Gia." Finally he spoke. Tumaas ang kilay ni Gia na para bang sobrang labag sa kanya ang sinabi ni Kaden.
"Fuck off Kaden. I'm not your little sister okay." Si Gia naman ngayon. Para siyang sumabog na bulkan sa inis niya ngayon. Halos tumilapon naman kami ng biglang nag break ng malakas ang sasakyan.
"Kaden!" Sabay sabay na sigaw naming tatlo.
"Baba!" Sigaw ni Kaden. Pabalik balik kaming lumingon sa isat isa. Nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin. "I said baba!" Lumakas ang sigaw niya at natarantang kinalas ni Trish ang seat belt niya.
"Kuya, this is unfair. Wag mo silang pababain." Wala akong ibang masabi. I know he's angry. Malamang ako ang bubulyawan niya pero wala na akong pakialam. He can't just leave our cousins like this.
"It's okay Cady. Bababa na lang kami." Ani ni Trish. Umiling ako. Kung bababa sila ay bababa na rin ako. Hindi ko alam na ganito pala kasama ang kapatid ko. Maaatim niyang iwan ang mga babaeng pinsan niya kung saan.
"No! Kung bababa kayo, bababa na rin ako." Bumukas ang pintuan sa front seat hudyat na lalabas na nga si Trish. Ganoon din ang pintuan sa gilid ni Gia. Akmang bubuksan ko na rin ang pintuan sa aking gilid ng sumigaw muli si Kaden.
"Stay!" No. Hindi ako susunod sa kanya. Binuksan ko ang pintuan sa aking gilid at bumaba na. Hindi ako aso na sisigawan niya at uutusan na mag stay.
![](https://img.wattpad.com/cover/65852933-288-k909640.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we all belong to something, someone, or somewhere. But in my case, I didn't belong to anything. All my life, I felt like a stranger-until my brother made me feel like I belonged to him.