Buong araw kaming naglaro ng skateboard. Si Yuriko ang nagtuturo sa akin, samantalang si Kuya Kaden naman kay Trish.
Naglunch kami sa loob na rin mismo ng clubhouse ng aming subdivision. Matapos mag lunch ay nagpractice muli kami.
Proud ako sa sarili ko dahil kahit papaano ay marunong na ako magbalanse at umandar na mag isa sakay ang skateboard. Si Trish ay puros galos na dahil na oout of balance siya.
Halos dumilim na ng umuwi kami sa bahay. Pagkarating namin ay nagulat ako dahil naroon si Franky at si Kuya Dealan.
Sinalubong kami ni Mommy pag pasok sa bahay. Busy siya sa pagluluto at inanyayaan ang mga pinsan ko na dito mag dinner sa amin. Pumayag naman sila.
Nag shower muna kaming mga girls dahil pawisan kami sa buong araw na pagsskate. Matapos ko maligo ay dumiretso naman sa banyo si Trish. Si Gia ay nauna na kanina at ngayon ay busy na naman sa kanyang cellphone. She's always like this.
"Cayd, may nagpapatanong sa facebook tungkol sayo. Pinsan ni Perri." Kwento ni Gia sa akin habang nagbibihis ako.
"Gia, alam mo naman na bawal pa akong mag boyfriend diba?"
"Boyfriend agad Cady? Magpapakilala lang ang tao. Tsaka sinong nagsabi sayo na bawal ka mag boyfriend aber?" I rolled my eyes at my cousin. I won't let her force me to meet anyone. Ayoko.
"Si Mommy?" Pagdadalawang isip kong sabi. Tumawa ng malakas ang bruha kong pinsan. Ngumiwi naman ako sabay ngumuso.
"Seriously Cady? You're making me laugh. Tita is cooler than my Mom Cayd. Believe me." Bahala siya sa buhay niya basta hindi niya ako mapipilit. Ang gusto lang nito ay mag double date kami kasama ni Perri. Duh! I hate the guts of that guy!
Matapos maligo ni Trish ay bumaba na kami. Kompleto na ang mga pinsan at mga kapatid ko sa hapag. Si Ate Angel na lang ang kulang at ang Kuya nila Trish na ngayon ay nasa States.
Umupo na kami sa hapag. Katabi ko si Trish at si Kuya Kieran. Katapat ko ay si Kuya Kaden.
Abala si Mommy sa pag utos sa mga katulong na ilapag ang mga pagkain sa lamesa. Naaamoy ko na ang Sinigang kaya ay nararamdaman ko na ang pag kulo ng aking sikmura. I'm hungry, okay.
Umupo na si Mommy at saka pa lang kami nag umpisa na kumain lahat. I was busy eating when i heard Gia spoke.
"Tita, is Cady allowed to date? Like she's seventeen and all, right?" Halos maibuga ko ang pagkain sa aking bibig. Shit! Nabilaukan yata ako. Inabot ko ang tubig at saka uminom rito.
Nakita kong nakatingin sa akin si Mommy. Oh no! Gia, what the hell is wrong with this girl. Ughhh!
Tumikhim si Mommy at uminom muna ng tubig bago magsalita.
"She can, if she wants to. Bakit may boyfriend ka na ba Cady?" Malamig na tanong ni Mommy. Mabilis akong umiling.
"Wala po, Mommy."
"Tsked." I heard from somewhere. Ang mga pinsan ko ay hindi alam kung magsasalita ba at makikisawsaw.
"We need to meet the guy first." Rinig kong sambit ni Kuya Kieran sa tabi ko. Napainom muli ako ng tubig. Wala pa nga akong manliligaw ay mukhang hindi na makakapasa sa mga kapatid ko.
"I'll introduce you to my friends, Cayd." It's Kuya Dealan. Ngumisi siya sa akin kaya ay tumango na lang ako sa kanya.
"She can't til she turns 18." Napatingin ako sa harapan ko. It's Kaden. Now he's acting like my Kuya now huh?
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.