Hapon na ng makarating kami sa Villa nila Perri. Sinalubong kaagad kami ng kanyang lola na hindi mo aakalaing lola na pala ng isang binatilyo. Mukha pa kasi itong nasa sikwenta lang.
Binaba na namin ang aming mga gamit. Pinasadahan ko ang isang mahabang Villa. Matatayog na kahoy na kulay puti ang buong Villa. Kailangan mong umakyat sa mahabang hagdanan na kahoy rin upang makarating ka sa loob.
Yakap ko ang unan ko at nakasunod lang sa mga pinsan kong pumasok ng bahay.
"Wow." Sabay kami ni Trish. Paikot ikot ang mata namin sa paligid at hindi namin mapigilan ang mapahanga. Sa loob ay hindi na puti ang kahoy kundi orangy brown na ito. Ang kanilang mga furnitures ay halatang mga antigo at malalaking klaseng puno lang ang pwedeng paggamitan sa mga ito.
May antigong chandelier din sa gitna nito. Sa mahabang antigong upuang kahoy kami naupo mag p-pinsan. Pare'pareho kaming halatang manghang mangha sa lugar.
Mabait ang lola ni Perri. Iginaya niya kami sa aming mga magiging kwarto sa loob ng kanilang Villa. Isang katulong ang naka sunod sa amin at may dalang mga kumot. Isa isa niya kaming inabutan lahat.
"Salamat po." Sabi ko.
"Ito ang magiging kwarto ng mga babae." Nakangiting anunsyo ni Lola. Anim na single bed ang naroon. Dormitory type kung baga. Amoy probinsya ang loob at ang sarap na lang agad humilata at matulog.
Iniwan kami ni Lola at doon naman siya sa mga lalaki para puntahan ang magiging kwarto nila.
Inayos ko agad ang bag ko at inilapag ang unan ko sa pinaka dulo na kama. Si Ate Angel ay dumiretso sa malaking bintana. Sa sobrang laki nito ay pwede kang maupo rito. Ganoon ang ginawa niya at nagsindi ng sigarilyo.
Si Trish ay nakangiti ring nag aayos ng gamit. "Ang ganda rito." Aniya. Tumango ako. Tama siya, napakaganda rito.
Hindi ko alam kung nasaan si Gia pero wala siya rito sa aming kwarto. Bumukas ang pintuan at akala ko si Gia na iyon pero si Yuriko pala. Kumalabog ang puso ko ng hindi siya nag iisa. Nasa likod niya si Kaden.
"Apat lang kayo dito? Pwede na siguro ako rito." Humiga si Yuri sa bakanteng kama at niyakap ang unan na naroon. "Uhhhh... " ungol niya pa. Binato siya ng unan ni Trish at natawa kami.
"Ako rin, pwede na rito." Anunsyo ni Kaden.
"Bukas pa tayo ng gabi matutulog rito. Sa lawa raw tayo mamaya." Napatingin ako at napatango kay Trish.
"Yuriko, ikuha mo ako ng tubig." Napalingon kami kay Ate Angel.
"Ate naman eh! Can you just go to the kitchen? Sarap na ng higa ko rito ohh." Angal ni Yuri kaya ay tumayo na ako.
"Ako na lang po Ate, nauuhaw din kasi ako." Akmang lalabas na sana ako ng magsalita si Kaden.
"Ako rin." Aniya.
Ang akala ko ay ikukuha ko lang din siya ng tubig pero nagulat akong nakasunod siya sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako at hinanap na lang ang daan patungo sa kusina. Buti na lang at nakasalubong namin iyong katulong kanina. Itinuro niya ang daan kaya dumiretso na kami roon.
Sa kusina ay maraming taong abala sa pagluluto. Maaga pa naman para sa hapunan ah?
"Iha, pasok ka riyan sa may puting kurtina, nariyan ang ref." Sabi ng isa sa nagluluto roon. Nagpasalamat ako at saka pumasok sa puting kurtina na tinutukoy niya.
Sa loob ay naroon nga ang ref at ibang gamit para sa kusina.
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig para makainom na. Kumuha rin ako ng dalawa lang baso para kay Kaden na nag aabang sa likod ko at kay Ate Angel.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
Storie d'amoreIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.