Abigail's POV
'I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the academy...'
'Po?! Pa'no po yun?'
'Aside from having 58 consecutive lates, We have also noticed your constant sluggishness especially during class, and we can't tolerate that..'
'I-I apologize Sir, pero eto lang po ang school na maaafford namin ng tita ko at di ko po kayang ma expell. Please do give me a chance... promise. I won't be late or tardy anymore.. just please... I need to graduate para makaahon po kami at magkatrabaho ako. Please nama-'
'We're so sorry. Here's the letter. Give it to your aunt. We can't do anything for this case so just pick up that letter and...
Go home..'
Go home...
Go home.... Cesia.
Napanaginipan ko na naman ang nangyari noong nakaraang linggo, ang pinakamalubhang mangyari sa isang estudyante: ma-expell. Ang mas malala, di man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para mabago ang naging desisyon nila.
"Pfft." Hinatak ko ang kumot para umabot ito sa aking leeg. "Sluggishness."
Sobrang bilis ng panahon at ngayon, wala na akong ibang iniisip kundi ang katanungang saan ba ako makakahanap ng bagong paaralan. Hindi naman ako pwedeng huminto sa pag-aaral. Kung mangyayari man 'yon, paniguradong itatali ako nito ni Auntie sa ilalim ng puno ng mangga.
Pumasok sa isipan ko ang boses ng babae na huli kong narinig bago magising. May pangalan siyang nabanggit na hindi ko gaanong naaalala.
Ceysha? Cesar ata? Cecile?
Ces... ??
Huminto ako sa pag-iisip saka napailing.
Wag na nga. Sumasakit lang yung ulo kakaalala sa pangalang 'yon.
"Abigail! Bumaba ka nga rito! Bilis!"
Napasimangot ako pagkatapos marinig ang boses na nagmumula sa ibaba. Nakapagtataka kung bakit sinisigawan niya ako nang ganito kaaga. Sa pagkakatanda ko, wala naman sigurong magtatangkang mag akyat-bahay sa umaga.
Nilingon ko ang orasan na nakapatong sa mesa katabi ang aparador at napagtantong namali pala ako sa pag-estimate ng oras.
12:49 pm...
Sunod-sunod na ang mga araw na late akong nagigising. Okay lang naman sa'kin kung weekends kasi wala namang pasok... dati. Dahil ngayon, ano ba ang ikakaganda ng pakiramdam ko kung sa mga nakaraang araw, naging reminder na ng kapalpakan ko ang paggising sa tanghali.
Pagmulat ko pa lang ng aking mga mata, mabigat na damdamin ang parating sumasalubong sa'kin. Hindi rin nakakatulong na wala akong ibang napapaginipan kundi ang itsura ng dati kong principal na nakaupo sa office niya at inuutusan akong umuwi.
"Abigail Young! Pag 'di ka pumunta dito, bubuhusan talaga kita ng mainit na tubig!" dumadagundong ang boses ni Auntie.
Nakaramdam ako ng inis dulot ng sobrang ingay pero agad naman itong naglaho nang maalala kong wala akong karapatang magreklamo o di kaya'y sumagot sa kanya kasi ako itong may malaking atraso sa kanya.
Tumayo na ako at patakbong lumabas ng kwarto saka bumaba para tignan kung ano ang pinag-iingayan niya.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at binabasa ang papel na nasa kamay niya. Napadako rin ang aking tingin sa kahon na nasa harap niya. Kulay maroon ito at halos kasinglaki ang mesa na pinapatungan nito.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...