Cesia's POV
Nakatitig pa rin si Art sa mapa hanggang ngayon. Nakasingkit ang kanyang mga mata at nakakunot ang kanyang noo. Ilang minuto na rin kaming nakaparada sa tabi ng kalye. Sabi niya kanina, madali lang daw ma-locate yung pupuntahan namin kasi may dala siyang map pero mukhang binabawi na niya ang sinabi niya base sa ekspresyon na suot niya.
"Art? What's taking you so long? Kanina ka pa nakatitig diyan." Nakitingin na rin si Ria.
"May alam ba kayong Raglem Street? Wala naman kasing Raglem Street sabi dito ih." sambit ni Art sabay abot niya ng mapa kay Kara.
"Do you think it's a hidden street?" ani Kara nang matanggap niya ito.
"Cesia? How about you?" tanong ni Ria sa'kin. "You've been here a long time. May alam ka ba na Raglem Street?"
Raglem Street? "Sorry pero ngayon ko lang ata narinig 'yan eh." Wala naman talaga akong naaalala na Raglem St. dito. Kung meron man, edi sana alam ko nasaan 'yan since ang unique din naman ng pangalan.
"Then we don't have any choice but to turn to every corner we see." Ibinalik ni Kara kay Art yung map at sumandal sa backseat.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Art bago muling i-andar yung makina.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon at nagmasid sa labas ng bintana. Nahawa na rin ata ako sa pagkadismaya ni Art. Nagui-guilty ako sa sarili ko... kasi kung tutuusin, ako dapat yung malaki ang maitutulong dito dahil dito pa naman ako lumaki.
Huminto ang sinasakyan naming kotse sa gitna ng kalsada nang mag-red yung stoplight. Agad ko namang napansin sa side view mirror ang isang jeep dahil sa matitingkad na kulay nito.
'tS. ragleM'
"Teka!" bigla akong napasigaw dahilan na mapatingin silang tatlo sa'kin.
Tinignan ko yung salamin at sa pangalawang pagkakataon, binasa ko ang nakapinta sa gilid nung jeep para masiguradong tama nga ang kutob ko.
"Uhh... wala akong alam na Raglem St. pero may alam akong Melgar St.?" sabi ko sa kanila.
Pagkaraan ng ilang segundo ng katahimikan, sabay silang napatango. Mukhang naintindihan na nga nila yung ibig kong iparating.
"That actually makes sense." puna ni Kara. "There are certain areas in the mortal realms that are counted as part of the other realms. However, their names are a bit altered so mythological creatures can easily distinguish those places."
Part of the other realms? So ibig sabihin n'on... hindi mga ordinaryong tao ang naninirahan sa lugar na 'yon?
"Yay! Nasa'n ba yan?" nanumbalik ang malapad na ngiti ni Art.
Sinabi ko sa kanila na lagpas na kami kaya kailangan muna naming mag u-turn. Nang magawa nga 'yon ni Art, saka ko tinuro sa kanya kung saang kanto dapat kami lumiko.
"Nga pala, Raglem Street lang ang sinabi ni principal. Pa'no ba natin mahahanap yung exact location ng Theosese na 'yun?" tanong niya.
"Actually..." napangiti ako nang makarating kami sa nasabing lugar. "May kilala akong nakatira dito."
Sunod-sunod na bumalik ang mga ala-ala ko sa lugar na'to.
Dito kasi nakatira yung isa sa mga professors ko dati. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang sabay-sabay na reklamo namin sa tuwing nagbibigay siya ng mga napakakomplikadong projects tapos the day after na yung submissions.
'I will not accept late submissions while I'm in school. You can attempt to pass your projects but expect that you will find it in the trash bin afterwards.'
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...