LVI | Awaiting

216K 8.7K 3.3K
                                    

Cesia's POV

Nakasingkit ang aking mga mata habang nakatitig sa salamin, nagpapasya kung karapat-dapat bang tignan ang suot kong puting blouse na pinaresan ko ng stretchable skinny jeans.

"Hindi ako pwedeng mag-white." puna ko at tumungo sa drawers. "Hindi bagay." At nagsimula na naman akong maghalungkat ng damit.

Isang crop top ang kumuha ng atensyon ko kaya inangat ko ito para suriin. "Hmm..." In-imagine ko ang sarili ko na suot ito habang nakikipaglaban. "Baka makita yung bra ko." bulong ko at ibinalik ito sa drawers.

"Sagabal." Itinapon ko papalikod ang isang long shirt.

"Masakit sa mata." Tsaka ang isang neon shirt.

"Mainit." Sumunod ang isang sweater.

"Malamig." Tapos isang tank top.

"Hindi 'to akin." Ibinato ko ang ligaw na powerpuff girls t-shirt.

Napahinto ako nang mapansin ang black top sa pinakailalim ng drawer. Kinuha ko ito at nalamang v-neck shirt ito na may slim fit. Hindi gaanong makapal ang tela nito at hindi rin masyadong manipis.

Sa huli, ito ang napili kong suotin.

Nakapameywang ako sa harap ng salamin, hindi dahil hindi ko na naman trip yung damit ko, kundi dahil may napansin akong kakaiba sa katawan ko.

Ako lang ba or lumaki nga yung pwet ko?

Yumuko ako at tinignan yung dibdib ko para i-check kung lumaki din ba ito.

"Parang hindi naman ah." sabi ko sa sarili. "...ba't nga ba hindi?"

Teka.

Kumurap-kurap ako.

Ano 'tong pinanggagawa ko?! Ibang klase 'to ng paghahanda para sa digmaan eh!

Mabilisan kong dinampot ang aking mga sapatos at sinuot ito. Dinoble ko ang pagtali ng sintas at hinigpitan ito bago tumayo.

Tumungo ako sa pinto at binuksan ito. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto, panandalian akong huminto sa may pintuan at bahagyang napalingon sa likod.

"Babalik din ako."

Pangakong babalik ako kahit wala akong alam sa mangyayari sa'kin mamayang gabi. Sisiguraduhin kong makakabalik ako sa kwartong 'to, sa dorm na'to, at sa mga kasama kong naninirahan din dito.

Lumabas ako at nalamang hindi pa tapos sa paghahanda yung iba at nasa mga kwarto pa nila, kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa balcony para magpahangin.

Yumuko ako at binilang ang bawat hakbang ko, bawat segundong lumilipas bago lumubog ang araw.

Ipinatong ko ang aking mga braso sa marmol na railings at inilikom ang nararamdamang kalungkutan mula sa magandang view na bumungad sa'kin. Hindi na mabibigyang hustisya ang pagsalubong sa'kin ng tanawing ito dahil na-iimagine ko kaagad kung anong magiging hitsura nito kung gagawin naming isang malaking battlefield.

Nasa punto na ata ako na wala na akong pakialam kung sinong mananalo, basta matapos lang kaagad ito.

Napabuntong-hininga ako.

Ang selfish naman siguro n'on...

Parang inuuna ko lang yung sarili kong kaba at takot as if naman ako lang ang kinakabahan at natatakot sa mangyayari.

May naramdaman akong presensya mula sa likod ko kaya napaikot ako at nakita si Ria. Nakababa ang kamay niyang may hawak ng gintong espada habang binibigyan ako ng nababahalang tingin.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon