Cesia's POV
Si Kaye ang Elite.
Pagkatapos marinig ang sigaw ni Ria, sabay-sabay na nag-ingay ang ibang estudyante.
'What?!'
'Someone find that-'
'Beta and Gamma, may bagong instructions. Patayin 'yang Kaye na 'yan!'
'Pwede bang sunugin muna 'yong kwarto ng babaeng 'yan?'
Nakasimangot si Kara nang i-off ang kanyang earpiece. "Turn it off so you can hear your surroundings," aniya. "They're coming."
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
Katulad nina Art at Ria, nasa labas din kami ng barrier, mas malapit nga lang kami rito. Nakatutok lang ako sa aming harapan habang pinapakinggan ang ingay mula sa malayo. Sa bawat segundo na lumilipas, lumalakas ang yabag ng mga paa, pati na rin ang pagyanig ng lupa.
Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa giant na naunang lumitaw sa aking pananaw. Gano'n din si Kara nang lumabas ang isa pang giant malapit sa kanya.
Narinig ko ang paghagis ni Kara ng shield niya. "Be back when the huntres arrive."
Tinanguan ko siya, saka kami tumakbo sa magkaibang direksyon.
Itinapat ko ang aking palad sa malaking sanga na inapakan ng giant at hinatak ito dahilan na mapaatras ang halimaw. Kumawala siya ng nakakabinging ungol bago ibaon ang kanyang kamay sa paanan niya at kumuha ng malaking piraso ng lupa na agad niyang ibinato sa direksyon ko.
Kusang gumalaw ang aking kamay at pinalutang ang sanga sa harapan ko. Daglian akong napapikit dahil sa putik na tumalsik sa'kin. Pagmulat ko ng aking mga mata, dahan-dahan akong napayuko sa damit ko na halos isang oras kong pinag-isipan ng mabuti.
"We'll take it from here."
Nilingon ko si Heather na ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ko.
"Teka." Gamit ang aking weapon, tinanggal ko mula sa kamay ng isang Huntre ang kanyang sibat at pinalipad ito sa gitna ng noo ng giant.
Napaiyak sa sakit ang giant, lalo na nang idiin ko ang dulo ng sandata hanggang sa tumagos ito sa likuran ng kanyang ulo. Bago pa siya bumagsak sa lupa ay hinatak ko ito mula sa ulo niya at ibinalik ito sa Huntre.
Nabalot ng dugo ang kamay ng Huntre nang muling mahawakan ang kanyang weapon. Saka niya tinignan ang natumbang giant nang may namamanghang kislap ang mga mata.
"Pasensya ka na." Nginitian ko siya. "Dinumihan kasi yung damit ko."
• • •
"Kara," sambit ko sabay hawak sa sementadong ledge ng building. "Sigurado ka ba talagang safe tayo rito?"
Tuluyan na nga akong napakapit rito nang muli na namang lumindol ng malakas.
"Yeah." Mahinahon niyang itinukod ang kanyang kamay sa ledge upang panatilihin ang kanyang balanse. "I think?"
Napansin ko siyang maiging tumingin sa malayo kaya napalingon din ako, at agad napag-alaman kung saan nanggaling ang papalakas na pagyanig ng lupa.
Sa kabilang dulo ng gubat, unti-unting humiwalay ang lupa. Umabot sa'min ang umalingawngaw na tunog ng natirang mga ibong nagsialisan mula sa mga puno. Nakakapanghina. Nakakapangamba. Dumidilim ang pananaw ko sa lumalawak na anino mula sa namumuong bangin.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...