Cesia's POV
May kinuha si Prof na libro mula sa antique shelf. Hinipan niya ang alikabok na nakabalot dito bago ito ibuklat. "Here it is." Ipinakita niya sa'min ang isang maliit na piraso ng papel na nakaipit sa mga pahina nito. "My father told me to give this to whoever comes looking for him..."
"Can we?" Hinangad ni Kara ang matignan ito. Hindi naman nag-alinlangan si Prof na ibigay sa'min yung papel.
Hawak-hawak ito ni Kara at sabay kaming lumapit sa kanya para makitingin.
'No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell.' Ito ang linya na matatagpuang nakasulat sa gitna.
"It's a famous quote from Carl Jung, who is considered a philosopher from this realm." mahinang sambit ni Kara saka niya ipinasa yung papel kay Art.
"Naalala mo pa ba, Abigail?"
Napatingin ako kay Prof.
"I gave you an assignment to write an essay about his autobiographical book entitled Memories, Dreams, Reflections."
Tumango-tango ako.
"Carl Jung was someone who emphasized the significance of not just a person's past, but also the future." karagdagan niyang sabi. "However, his ideas have not been as popular as the others' because his ideas were too... mystical and obscure, so they say."
Inabot sa'kin ni Prof ang libro. "Take this book." aniya. "Si Theosese na mismo ang nagsulat nito. Maybe this could help you."
Pagkatapos itong tanggapin, sinuri ko ang lumang libro. Leather-bound ito at sa gitna ng cover, mayroong larawan ng isang punong-kahoy na tila nagbubunga ng mga hugis-mansanas na ginto.
"I wouldn't mind if you'd borrow it. Wag niyo lang kalimutan na isauli ito."
• • •
"Pew! Pew! Pew!" Naririnig ko ang pa-sound effects ni Art habang binabasa yung libro.
"Ayusin mo nga 'yang pagbabasa mo Art kung ayaw mong sapakin kita." pagbabanta ni Ria sa anak ni Apollo na kanina pa pagulong-gulong sa kanyang kama.
"Yoko na! Hindi na kaya ng brain cells ko ih!!" reklamo nito.
"God of Knowledge ang ama mo." paalala ni Ria sa kanya. "Quit being so lazy."
Napagdesiyunan kasi naming magtake-turns sa pagbabasa nung libro. Una si Kara, Ria, tapos si Art, at ako naman yung panghuli.
"Oo nga nu? Ba't kaya hindi nasali sa abilities ko yung- alam niyo yun? Yung isang tingin mo lang eh memorize agad? Hmmm..." pabulong na sabi ni Art.
"Sige kunwari may ganu'ng ability ako." Inangat niya ang libro at tinapat sa kanyang mukha. Ilang segundo niya itong pinandilatan ng mata bago ibaba at isara. "Charan! Tapos na po ako mag-study! Mabuti nalang at God of Knowledge yung papa ko! Wew!"
Bumagsak siya sa higaan yakap-yakap ang tatlong powerpuff girls na plushies niya.
"You study that right now!" utos ni Ria.
"Yee stedi det reyt new~" panggagaya ni Art sa kanya. "Asus!"
"Stop mimicking me!" halatang napipikon na si Ria.
"Step mimicking mi~"
Napailing ako sa kanila at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit namin na kalalaundry lang. Wala talaga akong balak awatin 'yang dalawang 'yan.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...