XV | Potential

329K 13.7K 4.5K
                                    

Cesia's POV

Second day of training... mamamatay na naman ako.

Pumasok na ako sa training room at nakita ko na naman siyang nakatayo sa gitna. Bumaba ang kanyang tingin nang panandalian. "Your wounds have healed."

Napasimangot ako. Kung makasabi eh, akala mo naman wala siyang ambag sa mga sugat ko. Tapos iniwan niya pa ako sa training room, mag-isa, nakabalot sa mga hiwa at paso, nang madaling-araw.

Padabog akong dumako sa gitna. Sana sa training na'to, bigyan niya ako ng pagkakataon na kalabanin siya. Gusto ko lang naman i-rebound yung ginawa niya sa'kin. Muntik na niya akong patayin sa unang training kaya karapat-dapat lang na magpalit kami ng roles ngayon.

"Are you insulting me silently?" tanong niya nang makarating ako sa kanyang harapan.

Binigyan ko siya ng manamis-namis na ngiti. "Nope." Saka ako napasimangot ulit. Totoo naman talaga, hindi ko siya iniinsulto. Binabatuhan ko lang siya ng mga kutsilyo sa utak ko.

Inasahan kong huhugot na naman siya ng mga kunai mula sa kanyang bulsa, kaya nagtaka ako nang maglabas siya ng remote. Tinalikuran niya ako at humakbang papalayo sa'kin habang kinakaway-kaway ito. "Fortunate of me to have borrowed it, don't you think?"

Yan ba yung remote ni Sir Rio?

Nakapamulsa ang isa niyang kamay nang harapin ako, ilang metro ang distansya mula sa'kin. "Once I press a button, wolves will start appearing and they will attack you immediately." pagbibigay-alam niya. "But I'm only giving you one wolf at a time, considering that you're still..." pinadalhan niya ako ng namumuhing tingin. "...weak."

Umangat ang aking kilay pagkatapos kong marinig ang huling salita na binitawan niya.

Kakaiba rin ang lalaking 'to. Nagawa niya pa akong maliitin, imbes na i-motivate.

Inirapan ko siya bago ihanda ang aking sarili. Nasa gitna ako, nag-aabang sa nilalang na lalabas mula sa pader na nasa dulo ng silid, nang marinig ko ulit siyang nagsalita.

"You are to use your weapon only to kill. Use your abilities to control their movements."

Hindi ako nakapag-react dahil pinindot na niya yung remote. Nakita ko ang unti-unting paglabas ng nilalang at pinagsisihan ko na kaagad ang desisyon kong bumalik dito para ipagpatuloy yung training.

Umangil ito at kasunod na tumakbo papunta sa'kin.

"Oh shoot-" Napatakbo rin ako tungo sa ibang direksyon. Bumagsak yung lobo at dumausdos sa sahig. Pagkatapos, dahan-dahan akong nilingon nito nang umaapaw ang laway sa bunganga. Napailing ito at umungol bago muling dumako sa kinatatayuan ko. Tumakbo na naman ako.

Paulit-ulit lang yung cycle naming dalawa, sa madaling salita, naglalaro kami ng habul-habulan sa training room.

"What the hell are you doing?" ani Trev.

"Nililigtas yung sarili ko!" sagot ko habang nakikipagpatintero sa lobo.

Wala siyang karapatan magreklamo dahil ako 'tong nangangatog na ang tuhod kakaiwas sa bagsik ng isang nilalang na balak akong gawing snacks!

"Fight it or I'm sending another wolf."

"Di pa nga ako marunong!"

"Because you're not trying hard enough." giit niya. "I told you to use your ability to control its movements. You can force its muscles to move according to your will, divert its attention or make it believe that you are not an enemy, before breaking its neck."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon