Cesia's POV
Tumagilid ako ng higa at ginamit ang unan na yakap-yakap ko para itakip ito sa aking tenga. Nagising na naman kasi ako sa ingay ng alarm clock. Halos isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos kaming atakihin ng mga kidlat na hanggang ngayon, ay wala pa ring may alam kung saan o kanino nanggaling.
"Aish." Hindi ba pwedeng matulog muna? Kahit five minutes lang?
Bumangon ako at pinatay yung alarm.
Wag na nga. Isang oras ang katumbas ng extra five minutes ng tulog, kaya parati akong late eh. May pa-extend pa akong nalalaman. Sa huli, pakiramdam ko umidlip lang ako nang ilang minuto pero sa totoong buhay, naka-ilang oras na pala ako.
Napahikab ako pagkapasok ko sa banyo.
Ang sabi ni Doc, dapat one week and two days daw akong magpahinga. Ayaw niya kasing madagdagan ang pressure sa katawan ko, at baka maulit yung power limit. Nakinig naman ako sa kanya lalo na't alam ko na ngayon na pwede kong ikamatay ang power limit na 'yan... kaso, nakakabagot kapag ako lang mag-isa sa dorm habang yung iba naman, nasa klase. Naubos ko nang panoorin yung season one at two ng kina-aadikan na cartoons ni Art. Pati na rin yung mga DVDs na nasa media cabinet.
Tinimpla ko muna ang temperatura ng shower bago pumailalim dito nang hubo't-hubad.
Pinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang tubig na tumatakbo pababa sa katawan ko, hanggang sa hindi ko na nga ito maramdaman dahil tuluyan na akong natangay ng mga ala-ala ng pangyayaring 'yon.
Binalot ng tunog ng dumadagundong na kulog ang aking isipan, na tila naririnig ko pa rin ang nangyaring kaguluhan mula sa malayo.
Hindi ko namalayang nakatukod pala ang isang kamay ko sa dingding na kaharap ko, kaya laking gulat ko nalang nang dumulas ito at dumamba ako sa pader. "Ah!" Dumausdos ako sa tiles at paupong bumagsak sa sahig.
Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong-hininga, atsaka tumayo at mabilis na tinapos ang pagligo ko.
Pagkatapos maligo at magsipilyo, ay nagbihis kaagad ako ng uniform. Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Nakakamangha dahil isang buong araw lang ang ginulgol ng staff para ibalik yung dorm sa dating anyo nito. Ayon kay Art, kaya madali nila itong nagawa kasi yung sala at kusina lang ang nagkaroon ng damage. Fortunately, walang naiwang pinsala sa mga kwarto namin.
"Papasok ka?" tanong sa'kin ni Art nang makita niya akong nakasuot ng uniform. Kalalabas lang niya mula sa kanyang kwarto at nakabihis na rin siya para sa klase. "Akala ko ba di pa tapos yung rest days mo?"
"Okay na ako."
"Hmm..." Pinaningkitan niya ako. "Okie. If you say so." Saka siya nagkibit-balikat. "Kain ka nalang ng breakfast habang hindi pa tapos sa paghahanda yung dalawa."
Sabay kaming nagtungo sa kusina.
"Maagang umalis yung boys. Nasa office kasi sila ngayon kasama yung faculty para pag-usapan na naman yung nangyari." rinig kong sabi niya.
"Ba't hindi kayo sumama?"
"Ayaw naming bumangon nang madaling-araw ih. Kapagod."
Natawa ako. "Ako rin."
• • •
"All creatures each have their own weaknesses. Sometimes it's obvious, sometimes it's not." As usual, matatagpuan na naman si Sir Rio sa gitna ng training room. "Ever heard of the story of Odysseus and Polyphemus?" Tumigil ang kanyang mga mata sa'kin kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...