III | Officially A Student

461K 16.8K 10.8K
                                    

Kanina pa binuksan ni mamang driver ang kotse pero nanatili pa rin akong nakaupo sa loob. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa harap, pinag-iisipan kung totoo ba 'tong mga nakikita ko.

"I will deliver your luggage and once you are ready to get out of the car, please head to the main desk in the middle of the entrance hall." huling sambit nung mamang driver bago ako iwan.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Para kay Auntie." Saka, wala na akong magagawa dahil nandito na ako.

Pagbukas ko ng aking mga mata, nakita ko ang isa pang sasakyan na huminto sa harap ng kotse. Lumabas mula sa driver's seat ang lalaking nakasuot ng puting t-shirt at plain jeans. Nakakuyom ang kanyang palad at mabigat ang bawat hakbang niya papasok ng Academy.

Galit siguro dahil pasukan na naman?

Lumabas na ako ng kotse nang mapansing nakapasok na ang ibang estudyante at ako nalang yung natira.

Bumaba ang mga mata ko sa carpet na kulay maroon sa entrance. Pagpasok ko, binati ako ng ingay sa loob at mas marami pang katao. Dumiretso ang aking tingin sa desk na nasa dulo ng carpet kaya't dumiretso na ako do'n, gaya ng tagubilin ni mamang driver...

...na nakalimutan kong pasalamatan.

Di bale, sigurado naman akong makikilala ko siya kapag nagkita ulit kami.

Palinga-linga ako habang naglalakad tungo sa gitna ng hall dahil nakuha kaagad ng pinaghalong modern at traditional internior design ang buong atensyon ko.

Gawa sa kumikintab na puting marmol ang sahig.

Nakapinta sa matayog na kisame ang mga ulap at dito nakasabit ang naglalakihang chandeliers na tila sinawsaw sa nilusaw na ginto.

"Hindi kaya sila nagkamali sa pag send ng invitation?" medyo naa-aware na ako sa presensya ko sa lugar na'to dahil malaki talaga ang posibilidad na hindi pala ako yung Abigail na gusto nilang maparito. Hindi lang naman siguro ako ang nagngangalang Abigail Young sa lugar namin diba?

"Oof-" nabalik ang aking diwa nang mabangga ko ang dulo ng desk. Pagkatapos makita ang babaeng nakatayo sa likod nito, umatras ako at agarang umayos ng tayo.

"Your name please?" aniya nang hindi ako tinitignan dahil nakatuon lamang siya sa pag s-scan ng records na nasa harapan niya.

"Abigail Young po..." pinagpag ko ang suot kong skirt at muling napatingin sa kanya.

"Say, are you new here?" tanong niya.

"Opo." sagot ko.

"May I see one of the letters sent to you and your pin please?" inilahad niya ang kanyang kamay.

Kinuha ko ang nakatiklop na papel mula sa bag ko. Isa ito sa ipinadala nila sa'kin.

Saka... anong pin?

Magtatanong na sana ako kung ano yung tinutukoy niya nang maalala ko ang pin na ibinulsa ko bago makaalis ng bahay. Kinuha ko ito at inabot sa kanya kasama yung letter.

Una niyang binasa ang sulat. Binaba niya ito sa desk at kasunod na chineck ang pin.

Napansin kong napatigil siya pagkatapos makita 'yon.

Tinignan niya ako nang nagtataka. "Are you sure you're new here?"

"Opo." Tumango ako. "Bakit ho? nagkamali po ba ng pangalan? Sabi ko na nga ba-"

May inilabas siyang card na kasinglaki ng isang buong papel mula sa ilalim ng desk at inilapag ito sa harap ko.

"This is your schedule." aniya kaya't napatingin din ako para malaman kung anu-ano yung tinuturo niya. "The day, time of the day, name of subject and the corresponding teacher." Binaliktad niya ito at naroon nakaprinta ang mapa ng school. Kumuha siya ng red marker. "And this..." Binilugan niya ang isang partikular na parte ng mapa. "this is your dormitory, where you will be living along with the other Alphas."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon