XLV | Finders Keepers

227K 8.6K 1.4K
                                    

Ria's POV

"Art..." Nadatnan ko siyang kumakain ng cereal sa kusina.

Sinadya kong bumangon nang maaga para makausap siya tungkol sa nangyari kagabi. In other words, I want to apologize to her, personally, and whole-heartedly like how it should be.

I was at fault as well, because I had the nerve to run my mouth first before listening to her. Kahit hindi niya pa sabihin ang exact reason kung bakit nagawa niya 'yon, I'm a hundred percent sure she did it because she had good intentions. She would never do anything to make us feel bad.

Alam ko ito dahil kilala ko siya.

Pinagmasdan ko siyang kumakain ng breakfast niya. "Can I talk to you for a sec?" Umupo ako sa katapat niyang upuan.

I gave it a thought last night and, in the end, I felt bad. I was disappointed at myself. Marami akong nabitawan na mga salita na ako mismo, ayaw kong marinig. I was being reckless, at umabot ito sa puntong nagawa kong kalimutan na isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan.

"Hmmm?" Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin.

"I'm sorry." Diniretso ko na sa S-word.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako kaya nag-isip ako ng pandagdag. "U-Umm... what I said last night, I didn't mean it. I swear to the Gods." I raised my hand and made a gesture of promising. "Alam mo naman kung ano ako magalit diba? Nawawala ako sa sarili ko-"

"Ria?"

Nabigla ako nang banggitin niya yung pangalan ko. "What?" mabilisan kong sagot.

"Hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung ano yung favorite color mo."

"H-Huh?" My brows furrowed, clearly out of touch of what was happening.

"Red ba or orange?"

Did she really dismiss my apology like that?

"It's umm... red." mahina kong sabi. Umiling-iling ako pagkatapos. "Look Art, I'm really sorry for what I said to you. Nasaktan kita-"

"Hay!" Binaba niya ang hawak niyang kutsara. "Ria..." She tilted her head, giving me an exhausted look. "Okie dokie lang ako. Nangyari na yun. Atsaka..." Ngumuso siya bago yumuko. "Gusto ko ring mag-sorry sa'yo." she murmured, almost to a hush.

"Balak ko lang naman labhan yung uniform ih." pagpapaliwanag niya. "Nakalatag lang kasi sa kama mo kaya ayun..." Kumibit-balikat siya bago nagpatuloy sa pag-kain.

For a moment, napasimangot ako. "Did I really leave it on my bed?" I asked, obviously confused. I remember putting it inside its frame... or is my brain playing tricks on me?

"Shit." Sabay hampas ng palad sa noo ko. "Did I? Really? I'm sorry."

Sandali siyang huminto at suminghap. "Huwah. Sabi ko lang okie lang ih. Ria? H-Hindi mo na ba ako naririnig? Nabingi ka ba? Oh my Godsness! Dahil ba yun sa sigaw ko kagabi?"

A smile curled on my lips as I shook my head. "I didn't turn deaf, Art."

"Wait a minute!" Sumingkit ang kanyang mga mata. "Kung bingi ka nga, ih ba't nakasagot ka?"

"Kasi... hindi nga ako bingi." Natatawa kong sabi.

I literally practiced my apology last night, only for it to end up like this. But I guess mas mabuti na siguro ito kesa sa na-imagine ko kagabi na hindi niya ako papansinin.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon