Ria's POV
I already tied my hair into a ponytail. Kanina ko pa rin suot ang uniporme ko, ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ako matanggal sa harap ng vanity mirror. Nakatitig lang ako sa sarili kong repleksyon, nagtataka kung bakit nakatitig ako dito in the first place.
Naglagay ako ng kaunting make-up, just to see if I can make my face look less tired. Looking my best is one of the ways that I assure myself that I'm fine, even though I'm not. Ayoko kasing mahalata ng iba na masama ang pakiramdam ko. Knowing that others know you're not okay is a sign of weakness, and the last thing I want to do right now is give off a weak atmosphere.
I'm not that kind of person, nor will I ever be.
"I'm not weak..." Dahan-dahan kong inilapag ang make-up brush sa mesa. "I'm not meant to be weak." Ever since I step foot in the Academy, I have always asked myself the same question. Ilang beses ko ba dapat kumbinsihin ang sarili ko na hindi ako mahina? Dahil pagod na ako. Pagod na akong tignan ang sarili ko gamit ang mga mata ko. Ako lang ang nakakakilala nang husto sa sarili ko kaya napakahirap, napakahirap kung pilit kong iniisip na hindi ako mahina pero sa paningin ko, isa ako sa pinakamahina dito.
Setting all my thoughts aside, I finally got a grip of myself and left my reflection. Tumungo ako sa pinto at nang buksan ito, nakita ko si Chase na nakatayo sa tapat ko.
"What the hell is your problem?" Umangat ang isang kilay ko.
"Kanina pa nagsimula yung meeting. Ikaw nalang ang wala kaya inutusan ako ni Trev na gisingin ka or..." Nanghina ang kanyang boses sa bandang huli. "Tapos ka na bang kumain?"
Sinarado ko ang pinto at nilagpasan siya. "I'm not hungry." Pagkatapos, napahinto ako nang biglang tumunog yung tiyan ko.
"Bwisit." puna ko. Ang gandang timing n'on.
"Kumain ka muna." Sa isang iglap, nasa kusina na si Chase. Naglabas siya ng sandwich mula sa ref at inilagay ito sa microwave. "Walang snacks sa meeting. Ako lang."
"Gusto mo ipasok din kita sa microwave? Tsk." Umupo ako at nag-antay na mainit yung pagkain. Kumuha si Chase ng isang plato at saka baso. Inilapag niya ito sa gitna ng dining table kaya nagtaka ako.
"May atraso ka na naman ba sa'kin?" tanong ko.
"Bakit?" aniya at muling binuksan ang ref para ilabas ang isang pitsel ng juice.
"You're being kind to me. I don't like it. It's weird."
Napatingin siya sa'kin, saka sa plato at baso na nakalatag sa mesa. "Huh? Para sa'kin naman 'to ah." Nilagyan niya ng juice ang baso at ininom ito. "Gutom din kaya ako. Anong akala mo?"
Napasimangot ako at nagsimulang magbilang kung ilang segundo ang kailangan ko para mag-summon ng espada at ipahilig ito sa leeg niya. "Chase... can you just-" Wala talagang ni isang segundo na hindi nandidilim ang paningin ko sa tuwing nakikita ko siya. "Can you just get me another set of sandwiches from the fridge?"
Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya nagawa kong pakalmahin ang sarili ko.
Nasa kamay niya ang sandwiches na nakabalot sa foil nang mapatingin siya sa microwave. "Hindi pa tapos yung akin eh." Inabot niya sa'kin ito. "Idikit mo na lang 'yan sa noo mo."
Nagtaka ako sa sinabi niya pero tinanggap ko naman ito.
"Tutal palagi namang nagbabaga 'yang ulo mo."
Lumalim ang bawat hugot ko ng hangin at dahan-dahan kong kinuyom ang aking kamay na may hawak ng malamig na sandwich.
"CHASE!"
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...