Cesia's POV
Habang tumatakbo patungo sa field kasama yung iba, wala sa sarili akong napahawak sa harapan ng aking leeg. Nakaramdam kasi ako ng mahinang panghahatak ng balat ko rito at nalamang ang sugat ko ito na unti-unting sumasara.
Gumaan ang pakiramdam ko nang malamang gumagaling ang katawan ko pero hindi pa rin ako makahinga nang maluwag, at mas lalong humihigpit ang aking paghinga sa bawat sandaling nasusulyapan ko ang mga mata ng Alphas, at ang kakaiba nilang kakayahan na ngayon ko lang nakita.
Pinalibutan nila ako, habang pinalibutan sila ng mga kalaban. Maraming giants, pero mas maraming daemons at 'yong mga taong pula na tila mga sinaunang mandirigma sa kasuotan at sandata nila.
Nahagilap ko ang pagkinang ng damo sa paanan ko dahil sa tubig na dumadaloy dito. Sinundan ko ito ng tingin patungo kay Dio, na iniikutan ng malinaw at gintong tubig.
Kahit gabi ngayon, umagang-umagang ang langit sa kanyang mga mata dahil taglay nito ang maaliwalas na asul ng himpapawid tuwing araw.
Sa kabila ay si Kara na umikot sa ere at malakas na hinagis ang kanyang shield sa direksyon ng nakahilerang daemons.
Palihim akong suminghap nang sunggaban siya ng isang higante pero madali niyang naitulak pabukas ang palad nito at habang nakakapit sa daliri nito, hinatak niya pababa ang higante na para bang mas mabigat siya rito, dahil nagawa nga niyang hilahin ito, at nang mapayuko ang higante, sumalubong sa panga nito ang paa ni Kara.
Nakakamangha dahil nagawa niyang ipihit ang malaking ulo ng higante, pero mas nakakamangha nang talunan niya lang ang batok nito at bumaon na ang mukha nito sa lupa.
Pagkababa niya, mabilis na bumalik ang shield sa kanyang braso at ginamit niya ito upang pigilan ang nakakuyom na kamay ng isa pang giant. Napayuko siya nang kaunti dahil sa bigla pero agad din niyang naituwid ang kanyang mga tuhod.
Habang nilalabanan ang bigat ng giant, lumingon siya, tila may hinahanap sa lupa, kaya ginamit ko ang bracelet ko at pinalipad sa kanya ang pinakamalapit na spear.
Sinulyapan niya ako nang makuha ito at dali-daling binaba ang shield niya sabay saksak ng spear sa kamay nito na napaurong.
Noong una hindi ko maaninag kung anong kulay ng kanyang mga mata, ngunit sa kaunting sandali na sinalubong niya ang aking tingin, ay saka ko nalamang berde ito, na tumitingkad sa tuwing may dumadaang liwanag malapit sa kanya.
Lumiliwanag ang kanyang mga mata, sa tuwing kumikinang 'yong shield niya.
Pero kung liwanag talaga ang pag-uusapan, naroon si Chase sa unahan na nagliliyab ang mga mata dahil kasingkulay nito ang maputlang apoy.
Mabilis siya, kasingbilis ng iba pang mga Chase na lumalaban kasama siya.
Oo, marami sila.
Lumipat-lipat ang aking tingin sa bawat Chase na nasa field, nakikipagtagisan sa mga taong pula.
Kasunod kong narinig ang naiiritang sigaw ni Ria, dahilan na mapalingon ako sa kanya at nakita siyang kakahatak lang ng kanyang gintong espada mula sa sikmura ng isang daemon.
Sa aming lahat, siya ang balot na balot sa dugo, at di maipagkakailang sinadya niya ito, ayon sa paraan niya ng pagpatay ng mga kalaban.
Matulin nga ang pagbaon ng kanyang espada, pero padaskol naman ang paghatak niya rito kaya't natatalsikan siya ng dugo.
Napaatras ako nang tumuon sa'kin ang determinado niyang mga mata.
Taglay nito ang kulay ng mapanganib na pula.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...