Cesia's POV
"Tama bang iwan lang natin yung mga bags do'n?" tanong ko kay Ria.
"Oh please. Sino namang magnanakaw ng mga gamit natin? Books? Notebooks? Ballpens?" natawa siya. "Students here don't have to steal your school supplies, Cesia. They can just buy and be done with."
Hmm... oo nga ano?
Pagkalabas namin ng classroom, naabutan namin ang mga students na nagbubulong-bulungan. Mabilis ang kanilang paglalakad sa iisang direksyon at yung iba, ay nagsitakbuhan na.
Pumunta sa harapan namin si Trev at bahagyang nilingon si Chase. "Chase."
Panandaliang naglaho si Chase at bumalik na gulong-gulo yung buhok. "Sa field. May nangyari sa field. You should check it out."
Nagmamadali kaming tumungo sa field kung saan naabutan namin ang mga estudyanteng nagkukumpol-kumpulan. Walang nakapansin sa pagdating namin dahil lahat sila'y pinagkakaguluhan ang kung anong meron sa gitna.
Biglang nagsitaasan yung balahibo ko kaya napatingin ako sa aking braso. Pag-angat ko ng aking tingin, namalayan ko ang pagdilim ng kapaligiran dahil sa pagtitipon-tipon ng makakapal na ulap sa langit.
Pagkatapos, umalingawngaw sa field ang napakalakas na kulog mula sa itaas. Muntik na nga akong mawalan ng balanse dulot ng pagkasindak sa nakakabinging tunog.
Napahawak ako sa aking dibdib para ramdamin ang malalakas na kabog nito.
Sa'n naman galing 'yon?!
Nasagot naman ang katanungan ko nang magsalita si Chase. "Chill bro. Matu-turn off yung girls sa'yo."
Tumama ang aking tingin sa lalaking tinutukoy niya, na lingid sa aking kaalaman, ay nakatuon din pala ang mga mata sa'kin. Kasunod niyang tinignan ang nanginginig kong kamay kaya kinuyom ko ito at umiwas ng tingin.
"Cesia?" sinenyasan ako ni Ria na sumama sa kanya.
Sabay kaming pumasok sa opening na inilaan ng pangkat ng mga estudyante para makadaan kami. Tahimik lang sila habang dumadaan kami. Unti-unti na ring bumabalik ang liwanag sa kalangitan kaya makakahinga na rin ako nang maluwag...
'Yon ang akala ko.
Dahil nang makarating kami sa gitna, tila bumagal ang ikot ng mundo at muli akong nakaramdam ng bigat sa aking dibdib.
Hindi ako makapaniwala sa tumambad sa'min.
Tila inulanan ng dugo ang bahaging ito ng field dahil bawat damo ay nadungisan ng pula at makapal na likido. Pero hindi lang 'yon, dahil nakakalat din ang gutay-gutay na katawan ng mga... kuwago.
Umalis ako sa aking pwesto para libutin ang lugar. Hindi ko pinansin ang naaapakan kong magkahiwa-hiwalay na mga piraso ng kalamnan na may nakadikit pang balahibo... dahil iba ang nasa isipan ko...
May hinahanap ako...
Nilapitan ko ang isa sa kanila na nakahiga nang pataob at nakalatag ang nagkabali-baling pakpak sa likod. Lumuhod ako... "Mister Owl..." at dahan-dahan siyang inangat.
Naramdaman ko ang isang kamay sa aking balikat. "Pwede ko ba siyang matignan?" narinig kong tanong ni Art. Tumango ako at inabot si Mister Owl sa kanya.
Nakita ko ang pagliwanag ng kamay niyang nakapatong sa dibdib nito, saka niya ako tinignan. "Mukhang magiging okay naman siya eh... Ipapadala ko nalang siya sa caretakers nila, okie?"
Tumayo ako nang umalis na si Art bitbit si Mister Owl. Pinagpag ko yung skirt ko at ibinalik ang aking diwa. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kakahuyan kaya napatingin ako dito.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...