Cesia's POV
"Its parts look weird." komento ni Kara.
"May familiar terms naman siya ih!" dagdag naman ni Art.
"Ano ba 'tong penmanship niya?! Wala akong nababasa!" reklamo ni Ria.
Nasa gitna kami ng sala at nakaupo sa carpet, pinapaikutan ang libro para pag-aralan ito. Nagta-take turns kasi kami sa pag-handle nito. Tapos na yung boys kaya kami na naman ang may hawak ng libro.
Katulad ng mapa, hindi ordinaryong papel ang ginamit para sa librong ito. Kailangan pa itong masinagan ng partikular na wavelength ng liwanag para lumitaw ang nakatagong contents nito. Kaya ngayon, nagmistulang flashlight ang palad ni Art na nakatapat sa ibabaw ng pahinang kasalukuyan naming tinitignan.
"Teka. Anong page na ba tayo?" tanong ko.
"Thirty-second." Si Kara ang sumagot.
Huh. Page thirty-two, at hindi pa rin sapat ang impormasyon na nakuha namin mula dito. Ang hirap naman kasi kung dapat mo pang isubsob yung buong pagmumukha mo sa bawat pahina para mabasa ang mga sulat at makita nang maayos ang nakaguhit na sketches.
"Art. Add some light here."
Sinunod ni Art ang utos ni Kara at itinuon ang liwanag sa bahaging itinuro nito.
"It contains microscopic particles." ani Kara.
"Well that's useful information. Knowing that only certain things contain microscopic particles like I don't know? Everything?" puna ni Ria, dahilan na makatanggap siya ng naiinis na tingin mula kay Kara.
"What I mean is, if we can recognize these substances, then we can make a list of what the imitators are made out of."
Halos tatlong oras ang ginulgol namin bago mapagdesisyunang magpahinga at magpatuloy bukas. Umalis si Kara, samantalang yung dalawa, pumasok sa kani-kanilang mga kwarto para magbihis.
Tumayo ako at saka pinagpag yung skirt ko. Pagkatapos, nanatili akong nakatayo sa loob ng isang minuto para titigan ang nakabuklat na libro habang bahagyang nakahilig ang aking ulo.
Hindi ko aakalaing napasakamay ko na pala yung blueprints, ang mismong bagay na pinaghahanap ngayon. Wala naman kasi akong ideya sa magiging kahalagahan nito.
Isinara ko ang libro saka kinuha ito.
Sa pagkakatanda ko, hindi ito natagpuan nila Kara sa library. Hindi rin nila sinabi kung saan nila ito nakita. Ibig sabihin, may posibilidad na may nakatuklas na tungkol dito at naunang hanapin ito.
Wala sa sarili kong itinapat ang libro sa aking dibdib.
Maliban sa'min, sino pa ang may alam?
Napaurong ako ng kaunti nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa direksyon ng pinto kung saan ito nanggagaling.
Lumapit ako dito ngunit bago ko pa ito mabuksan, isang kamay ang humatak sa'kin paatras. Umikot ako at nakita si Trev.
"I'm answering that. You go to your room." Sinulyapan niya ang libro na nasa kamay ko. "You're not going somewhere with that, are you?" Pinaningkitan niya ako.
Bumukas ang aking bibig pero walang salita na lumabas mula rito. Napakurap-kurap din ako, di makapaniwalang paghihinalaan niya ako. As if naman may mapapala ako kung ilalayo ko 'tong libro mula sa kanila. Hindi ko nga makita yung laman nito kapag wala si Art eh!
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...