XIV | A Threat

336K 12.6K 2K
                                    

Cesia's POV

"Kaye yung pangalan niya diba?" pabulong na tanong ni Art.

Sinabihan kami ni Trev na mag gather daw kaya nagtitipon-tipon kami sa sala. Nakaupo na kaming lahat at nakapwesto ako sa harap nung oracle. Ramdam ko ang pagbigat ng hangin na nakapalibot sa'min kaya alam kong napakaseryoso ng pag-uusapan namin.

"Cal and I went back to the field to investigate." pagbibigay-alam ni Trev. "We didn't find something, rather someone..." sinulayapan niya si Kaye. "-and we found her lying unconscious behind the trees."

Yung field... diba katabi 'yon ng forest?

Nagsimula ng magkwento si Kaye. "As you know, I'm an oracle of Apollo. Bago pa lang ako dito, may nararamdaman na ako sa campus. Specifically, sa forest... ewan ko kung instincts ko lang ba yun or abilities ko, which is to be able to foretell the future... well I guess, a part of it."

Nabasa ko sa libro namin yung tungkol sa mga oracles, sila yung mortals na responsable sa pagme-maintain ng offerings at prayers para sa mga gods at goddesses. Since sila din yung keepers ng shrines at temples, biniyayaan sila ng extraordinary gifts, depende kung ano ang kapangyarihan na hawak ng kanilang deity.

"Kagabi, may narinig akong tumatawag sa'kin. I don't know happened but I just found myself walking towards the forest... like I was in some sort of trance. Mabuti nalang at natauhan kaagad ako, just right at the entrance. May narinig kasi akong ibang boses na inuutusan akong bumalik. I was about to go back, pero nawalan na ako ng malay..." tinignan niya sina Trev at Cal. "And the next thing I saw was the both of you..."

May naalala ako sa sinabi niya. "Yung entrance ng forest na pinuntahan mo kagabi... dito ba 'yon na side ng Academy?" tanong ko.

Tinitigan niya ako. "Yes, why?"

Ibig sabihin, siya nga yung estudyanteng nakita ko kagabi...

Napatingin din si Trev sa'kin. "It was you who stopped her from straying?"

"Ikaw?" Nanlalaki ang mga mata ni Kaye na nakatuon sa'kin.

"Uhh..." Nagpanic mode yung utak ko dahil sa natanggap kong mga tingin na para bang may atraso ako sa kanila. Ngayon ko nga lang nalaman yung nangyari kay Kaye... saka, ano ba yung trance?

"You were saying about a vision..." ani Trev.

"Y-yes, a vision..." Napakurap-kurap si Kaye bago i-alis mula sa'kin ang kanyang buong atensyon. "I was unconscious because I had a vision. Everything was pitch black... A voice as cold as ice whispered something to me, a message for the sons and daughters of the Olympians... pinapaalis niya kayo dito, hangga't hindi pa daw huli ang lahat."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya... siguro dahil nakikita kong pati siya, ay naguguluhan din.

Bigla siyang tumayo. "I-I'm sorry. I gotta go." At nagmamadaling lumabas ng dorm.

Sinundan ko siya dahil ito ang sabi ng instincts ko. Naabutan ko siyang nakatalikod at naglalakad papalayo ng building.

"Kaye!" tumakbo ako tungo sa kanya na nasa kabilang dulo na ng pasilyo.

Tumigil siya sa paglalakad. "Bakit mo'ko sinundan?"

"Anak kasi ako ni Aphrodite eh..." sagot ko. "Na-sense ko lang na may dinadala kang mabigat na problema."

'Yon talaga ang ipinagtaka ko kanina... kilala ko ang isang tao kapag natatakot, pero siya, habang kinukuwento niya sa'min ang nangyari sa kanya, wala akong nakikitang bakas ng takot o kaba... pero... sigurado pa rin akong may bumabagabag sa kanya... siguro, may hinaharap siyang mas malaking problema at dumagdag lang yung vision niya.

"Thank you nga pala..." nginitian niya ako.

Thank you? "Para saan?"

"If it weren't for you, well..." sumayad ang kanyang tingin sa sahig. "Who knows what would have become of me if I went deep inside the forest."

Nag-isip ako ng pwedeng masabi para mapagaan yung loob niya. "Alam mo ba? Pagkatapos kong gawin 'yon, medyo na-guilty ako kasi akala ko talaga may kameet-up ka na boyfriend mong estudyante rin dito..."

Narinig ko ang mahina niyang tawa... kaya napangiti na rin ako.

Mabuti naman...

"I'm just curious, isa ba 'yon sa mga abilities mo? Being able to command others even if it's against their will?" kasunod siyang nagtanong tungkol sa abilities ko, out of nowhere. Pero sinabi niya namang na-curious lang siya kaya hindi ko pinahalata na nakakapagtaka yung tanong niya.

"Ahh-hahaha..." sabay kamot ng aking ulo. "Sa totoo lang, wala pa talaga akong kaalam-alam tungkol sa mga abilities na 'yan... bago pa kasi ako dito eh. Diba ikaw din?"

"Mmm..." tumango siya. "I'm still having a hard time adjusting too..."

Ilang sandali pa'y nagpaalam na siya. "I... I should go now." Naglakad na siya papalayo sa'kin nang muli siyang napahinto dahil tinawag ko na naman siya.

Inasahan ko kasing sasabihin niya sa'kin kung ano yung gumagambala sa kanya. Pero sino ba naman ako para pilitin siyang mag-open up? Kakakilala nga lang namin... At saka, baka gusto niya munang wag ipaalam sa iba yung dinaramdam niya. Lahat naman ng tao dumadaan sa gano'ng stage eh...

"Yes?"

"Kung may problema ka, huwag mong kalimutan na nandito lang ako ah?" paalala ko.

Sa ganitong panahon, napakahalaga na malaman niyang hindi siya nag-iisadahil may handang tumulong sa kanya, anuman ang pinagdaraananniya.

• • •

"If threat yun... ih bakit sa'tin lang?" nakatutok si Art sa hibla ng kanyang buhok na pinaglalaruan niya. "Ang choosy naman n'un..."

"So whoever sent that threat made it clear na tayo lang ang center of attraction dito... hindi yung buong school?" pagtitiyak ni Ria.

"Ayos 'yang center of attraction ah..." nakangising sambit ni Chase. "Di kaya ako talaga yung pinakacenter ng center of attraction at nadamay lang kayo? Para rin naman kasi akong magnet, maraming na-aattract sa'kin."

"Oh, how I wish." ani Ria. "...na si Chase lang ang gusto nilang ipahamak."

"Wow naman, Ria."

"Ikaw na nagsabi. I'm just supporting your statement. Ayaw mo n'on?"

Pinag-ukulan sila ni Kara ng tingin. "If our deities knew about this, then we can take shelter for now." Halatang pinag-isipan niya ng mabuti ang sasabihin niya. "We can't just act on our own, not yet. That would be stupid. We need to find out why we're being threatened first."

"Shouldn't we figure out who's threatening us?" tanong ni Dio.

"We could..." sagot ni Kara. "But we need more information. That is why, we should wait for whatever happens next."

"Point taken." sumang-ayon si Dio. "And you think konektado ito sa nangyari kahapon? The dead birds and all that?"

Matagal na nakasagot si Kara. "I can't conclude anything yet."

"So be it." Puno ng awtoridad ang boses ni Trev na prenteng nakahilig sa upuan at naka de-kwatro ang mga paa. Nakasandal ang kanyang mga braso sa magkabilang patungan nito habang nakasuot ng pangkaraniwan niyang ekspresyon.

Hindi ko alam kung bakit ako napalunok nang magtama ang tingin namin.

"Let's not rush things." aniya. "There is no harm in waiting... not yet."

Nilingon siya ni Dio. "Permission to investigate on our own?"

"Granted." Magkasunod-sunod niyang tinapik ang kanyang mga daliri sa bandang dulo ng patungan ng kamay. "Just be discreet."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon