Cesia's POV
Huminto ako sa dulo ng nagbabagang lupa, at minasdan kung paano iangat ni Art ang katawan ni Cal, at hinarap ito sa kanya.
"Art..." tawag ko, pero hindi niya ito narinig, o hindi niya pinakinggan.
Nakabuhos ang buong atensyon niya sa lalaking nasa bisig niya. Marahang dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito at nahagilap ko ang natirang kaunting pag-asa sa kanyang mga mata.
Malungkot akong napangiti.
Tama. Ikaw pa rin 'yong Art na kilala ko.
"Art!" sigaw ko, na hindi niya pa rin napansin.
Walang ibang magawa, napagdesisyunan kong humakbang sa nasunog na lupa at bago pa tuluyang matunaw ang talampakan ng aking sapatos, nagmamadali akong lumapit sa kanya.
Kung anong gagawin ko pagkarating ko, iniisip ko pa.
Napatigil ako nang lingunin ako ni Art.
Bahagyang bumukas ang aking bibig pero walang salitang lumabas, dahil bigla akong binalot ng nagluluksang damdamin nang mag-abot ang aming tingin, at mas malubha pa ang dalang sakit nito kesa sa matinding init na nagbabantang sunugin ang balat ko.
"Art..." nag-aalala kong sambit.
Tinignan niya ang lupang pinagpatungan ko. Maingat niyang ibinaba si Cal at dahan-dahang tumayo.
Nakakunot ang aking noo nang ngitian siya.
"Naririnig mo'ko?" tanong ko.
Walang ipinagbago ang kanyang mukha. Natutulala pa rin ito.
Samantalang, huminto sa paglalakad 'yong alaga niya, at minasdan ako mula sa kanyang likod.
"Kung hindi..." Mariin kong binitawan ang sumunod na mga kataga. "Pakinggan mo ako."
Napansin ko ang paglalim ng kanyang hininga, pilit nilalabanan ang boses ko.
"Masasaktan ka lang," sabi ko. "Pero hindi mo sasaktan yung iba."
Lalapitan ko pa sana siya kaso humakbang siya paatras.
"Art." Nagsimula na akong mangapos sa hangin. "Alam mo kung anong nangyayari sa'yo ngayon, diba?"
"Kailangan kitang tumingin hindi lang sa'kin," tugon ko. "Kundi pati na rin sa mga taong nasasaktan mo, at hindi lang mga kalaban natin ang nahihirapan, kabilang na 'yong mga taong lumaban para sa'tin."
"P-Para..." Nanliit ang kanyang boses. "Para sa'kin?"
Tumango ako.
"Pero wala na siya..." Isa-isang bumuhos ang kanyang mga luha. "Y-Yung..." Humugot siya ng hangin, ng lakas, upang makapagpatuloy sa pagsasalita. "Yung taong lumaban para sa'kin."
Pinigilan ko ang sarili ko na maluha. "Art, alam kong-"
"Paano ako?" mangiyak-ngiyak niyang tanong. "Anong mangyayari sa'kin kapag wala siya?"
Umiling ako. "H-Hindi ko alam, Art," naiiyak kong sagot. "Hindi ko rin alam."
Sa huli, nagawang makatakas ng isang luha mula sa mata ko. "Ang alam ko lang, marami kaming nandito para sa'yo... at hindi ka namin iiwan."
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...