XIX | Composed

306K 11.7K 1.7K
                                    

Cesia's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at tunog ng mga busina. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata saka napatingin sa kalsada na punong-puno ng mga sasakyan.

Nasa syudad na nga kami...

Napatingin ako kay Art na kumakain ng burger habang nagd-drive. "Gusto mo?" alok niya. May nakalagay rin na plastic cup sa gilid ng kanyang upuan. "Nag-order kami sa Jollibee drive-thru. Hehehe..."

Nilingon ko sina Ria at Kara na kumakain din. Inabutan nila ako ng burger at fries, na tinanggap ko naman saka sinimulang kainin.

Saktong naubos ko na yung pagkain nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang napaka-engrandeng tignan na gusali. Ito na siguro yung sinasabi nilang four-star hotel kung saan kami mananatili hanggang sa matapos ang misyon namin.

Sinalubong kami ng valet na siyang inabutan ni Art ng susi. Sabay kaming pumasok sa loob at namangha kaagad ako sa matingkad na disenyo ng lobby. Kahit naglagay sila ng napakalaking fountain sa gitna, sobrang lawak pa rin nung space. Nakakalat din ang mga taong nakadamit pang-mayaman...

Tumungo kami sa front desk para i-claim yung reservation namin.

"Yes, of course. You're assigned to room 507." tugon ng receptionist bago i-ring yung bell na nasa harap niya. Kasunod naming nakita ang isang hotel porter na may tinutulak na rolley. "Your luggage ma'am?"

Binigay naman namin sa kanya ang mga gamit namin. May inabot din na card yung receptionist sa porter na sa tingin ko'y key card ng magiging room namin.

Nakasunod lang kami sa porter nang mapansin kong karamihan ng mga taong nadadaanan namin ay mga businessman o businesswoman dahil sa mga formal attires nila.

Sumakay kami sa elevator at lumabas sa fifth floor.

Tumigil kami sa harap ng isa sa mga pinto saka dinikit nung porter yung card sa metal plate na nasa gitna at bandang kanan ng pinto. Nakarinig kami ng beeping sound bago ito bumukas.

Pumasok na kami at batay sa spacious living room at kitchen, masasabi kong isa ito sa mga suites nila.

Isa-isang ibinaba ng porter ang mga bags namin mula sa rolley. "I will leave the card here, ma'am." Ipinatong niya ang card sa mesa na pinakalamapit sa pinto. Nagpaalam na rin siya sa'min bago lumabas.

"Find time to rest first." Sinabihan kami ni Kara na magpahinga muna kaya dumiretso kami sa kwarto. Iisa lang ang bedroom namin pero mayroon namang apat na kama para sa bawat isa sa'min.

Nakahiga ako at nakatingala sa kisame nang mapaisip ako sa kalagayan nung boys na nasa kabilang ibayo ng syudad.

By now, dapat nakarating na sila sa destinasyon nila...


Chase's POV

"Where the hell are we Chase?!" galit na tanong nitong katabi ko na kanina pa naha-highblood.

"Calm down bro. Malapit na nga tayo oh." kahit hindi naman talaga.

Nakakabuwisit kasi magbigay ng directions yung principal. Ang sabi, agaran daw naming makikita yung inn. Eh mag-uumaga na at wala pa rin akong nahahagilap na inn o village man lang.

Inikot-ikot ko yung steering wheel kahit hindi ko alam kung saang lupalop na kami dinadala ng sasakyan. Nag-iisip na din ako ng mga paraan para takasan 'tong tatlong kasama ko na paniguradong itsu-tsugi ako pag nalaman nilang kanina pa kami naliligaw.

Pero mukhang malabo nang mangyari 'yon dahil may natatanaw na ako na bahay sa unahan. Tapos, sunod-sunod na ang mga kabahayan na dinaanan namin.

Pakshet. Ang galing mo talaga Chase.

"Sabi ko nga sa inyo diba mga 'tol? Wag niyo kasing maliitin ang kakayahan ko."

Palihim akong napabuntong-hininga pagkatapos. Phew! Akala ko talaga sasakalin na ako nitong katabi ko eh.

Mayamaya, nakita ko na yung inn at sa tapat nito ako nag-park. Nagsilabasan na rin kaming apat bitbit ang mga gamit namin saka pumasok. Simple lang naman yung disenyo ng munting inn. Bukod sa gawa ito ng kahoy, maaliwalas din naman ang buong area at ang linis ng bawat sulok nito.

Kinausap ni Dio ang isang matandang babae na siyang sumalubong sa pagpasok namin. May tinawag siya at nakita ko ang isang batang lalaki na tumatakbo pababa ng hagdan.

"Pakihatid nga sila sa kwarto nila." Inabot ng matanda ang susi sa bata.

Habang naglalakad papunta sa kwarto namin, napaisip ako... may chix kaya dito? Kasi mga 'tol, masasayang lang talaga ang presensya ni Master Chase kapag wala.

Hmm...

Sa tingin ko, medyo okay din naman yung mga probinsyana ah. Lumaki silang masipag, responsable, maalalahanin... pero jackpot talaga kung may hybrid eh. Meron kaya n'on? Yung pinagpala rin na magkaroon ng... wild side.

Napangisi ako.

Yung tipo ko lang.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon