XXXIII | Danger

262K 9.4K 1.7K
                                    

Ria's POV

Kasalukuyan kong tinutulungan si Doc na gamutin si Cesia. The nurses told us she lost consciousness on their way here.

Sa ngayon, ako ang assistant ni Doc dito dahil bigla nalang tumakbo si Art pabalik sa dorm.

Wala akong ideya kung ano na naman ang drama ng bata. Pero hula ko, may koneksyon 'yan sa Powerpuff Girls obsession niya.

Tinitigan ko ang babaeng nakahiga. "Do you think she regrets coming here?" I can't help myself but ask. As far as I know, her life as a mortal was fine. Hindi kaya siya nagsisisi na manatili rito kasama kami?

After everything that happened to her, I bet she does.

"That's not mine to answer." ani Doc. "Why would you ask that?"

"Naalala ko lang kasi..." Napangiti ako. "May sinabi siya sa'kin, something about all of this being just a dream." Kaya siguro nasabi niya 'yon dahil gusto niyang hanggang panaginip lang ang lahat ng 'to...

"You're scared, aren't you?" tanong ni Doc.

I was quick to gather my senses. "N-No. I'm not." Iniwasan ko ang kanyang tingin. "I can't be scared. I shouldn't be."

Natawa lang siya nang marahan. May inabot siya sa'kin na isang transparent cream container na may lamang puting krema. "Bring this to Chase. Make sure you apply it on his burns evenly." She gave me a sharp glare, dahilan na matawa ako.

"Be gentle, okay?" paalala niya. "That medicine stings."

"Be gentle." Tinanggap ko ito. "Noted." I said, before taking off. Lumabas ako ng private cubicle at pumunta sa isa sa mga curtain-divided cubicles. The smaller cubicles meant for those patients who require only minimum assistance.

Hinawi ko ang kurtina at bumungad sa'kin si Chase na nakaupo sa gilid ng higaan. Pinagpapawisan siya at nakahukot, mukhang namimilipit sa sakit.

"Didn't they give you pain relievers?"

Inangat niya ang kanya ulo para tignan ako. "Ba't ka nandito?"

"Pag ako hindi mo sinasagot nang maayos, sasapakin kita." pagbabanta ko sa kanya. "Take off your bandages. May ilalagay ako sa mga sugat mo."

Tinanggal niya ang bandage na nakapulupot mula sa dibdib hanggang sa tiyan niya. Umupo ako sa dulo ng higaan, nang nakaharap sa likod niya.

"You should be dead." puna ko nang makita ang bakas ng mga kidlat sa balat niya. It looked like someone painted trees with a lot of branches on his back using dark red paint. "Ba't ba kasi ang tagal mong mamatay." mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya 'yon.

I noticed his muscles tense the second I started applying the cream on his wounds. "Gago- ano yan?!" Napatayo siya sabay lingon sa'kin.

"Sinong gago?" Umangat ang kilay ko.

Pabalik-balik ang kanyang tingin sa'kin at sa gamot na nasa kamay ko. "Yung gamot." sagot niya at bumalik sa pagkakaupo. "Dahan-dahan lang kasi. Tch."

"Bakla." Nagpatuloy ako sa pagpahid nung cream sa likod niya. Napahinto ako nang marinig ko ang mahina niyang tawa. He was giggling by himself. Side effects ba 'yan ng nangyari sa kanya?

"Ria, my dad had male lovers. Baka nakalimutan mo."

Ewan ko kung anong nangyari sa'kin pero kusang gumalaw yung kamay ko at binatukan siya. "Bahala ka na nga diyan." Ipinatong ko yung container sa higaan atsaka tumayo. "May aasikasuhin pa ako. Help yourself."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon