XVIII | The Mission

358K 12.5K 5K
                                    

Cesia's POV

"So..." Inilapag ni Ria ang food tray sa gitna namin. "Kumusta na yung manliligaw mo?"

Nasa basement kami ng mall, kumakain ng hapunan. Hindi sumabay sa'min yung boys dahil may sarili silang lakad... as usual.

Umupo si Ria sa tabi ni Art na nakaupo katapat ko. Katabi ko naman si Kara na kumakain habang binabasa ang libro na nakabuklat sa mesa. Paminsan-minsa'y ibinababa niya ang hawak niyang tinidor para makalipat sa susunod na pahina.

"Ayoko talagang ituring siya na manliligaw eh..." sagot ko. "Wala kasi akong balak magpaligaw." Sapat na siguro yung expulsion ko sa dati kong eskwelahan para mapagdesisyunan kong magfo-focus muna ako sa pag-aaral ngayon. Ibig sabihin n'on, no more lates, absences o kahit anong form ng distraction... kasali na yung pakikipag-relasyon.

"So, you're telling me that you, a daughter of Aphrodite, have no experience of being in a relationship at all? Not even once?" tanong ni Ria.

Umiling ako.

"Even just... a fling?"

"Hmmm..." Napaisip ako saglit. "Wala rin eh." Kumibit-balikat ako saka nagpatuloy sa pag kain. Sa totoo lang, nagkaka-crush din naman ako. Pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang sumubok sa mga fling-fling na 'yan, naiimagine ko si Auntie na pinapalo ako ng sandok habang pinapagalitan ako.

"Hindi ba manliligaw tawag n'un?" sambit ni Art. "Araw-araw kaya siyang nagbibigay ng flowers at chocolates!"

Napabuntong-hininga ako.

Okay naman talaga si West... kaso, kung saan-saan lang siya sumusulpot para mabigay yung gifts niya eh. Mahilig ata sa jumpscares ang lalaking 'yon. Dahil dito, pakiramdam ko walang segundo na hindi siya nagmamasid sa'kin. Stalker kumbaga. Kahit nga sa cr ramdam na ramdam ko ang mga mata niya na nakatutok.

"Guys! Guys!" Nabigla kaming lahat nang makarinig kami ng sigaw mula sa isang estudyante. "Sa field!"

Nagtinginan kaming apat. Nang maisara ni Kara ang kanyang libro, saka kami nagsitayuan.

"What is it this time?!" inis na tanong ni Ria habang tumatakbo kami patungong field. Humahangos ako nang tumigil kami sa harap nina Trev na may kausap na lalaki.

Napatingin ako sa field at wala akong ibang napansin kundi ang nakakalat na malalaking piraso ng basag na salamin.

"Y-yan ba yung..." napatakip si Art sa kanyang bibig nang mapasinghap siya.

Nagtaka ako kung bakit pare-pareho ang reaksyon nung tatlo.

"The school's protective barrier." mahinang sabi ni Kara. "Our primary defense is... it's gone?" tila mahirap para sa kanya na paniwalaan na gano'n nga ang nangyari.

"Protective barrier?" Ano naman 'yon?

"A barrier is the layer of mist that surrounds an area of a place that is supposed to be hidden from the mortals' eyes." tinignan ako ni Ria. "Kaya hindi visible yung Academy sa pananaw ng mga ordinaryong nilalang... dahil may sarili tayong barrier." Muli siyang napatingin sa harap. "When the mist senses that a particular place in this realm has powerful energy and emits a different type of aura, it automatically thickens around that area to hide it from plain sight."

"Barriers are naturally occurring..." bahagya siyang yumuko. "...except ours."

Ayon sa kanya, napaka-unique ng hugis dome na barrier ng Academy dahil gawa ito sa combination ng mist at trance. Ito rin daw yung grace na ipinagkaloob ni Hephaestus para masigurado ang kabuuang kaligtasan at seguridad ng mga students at staff na ilang taong maninirahan sa eskwelahan.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon