V | Claiming Ceremony

419K 15.6K 7.3K
                                    

Cesia's POV

Nakaupo ako sa harap ng vanity table, pinagmamasdan yung repleksyon ko, nang nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto.

"Cesia?" sinundan ito ng boses ni Ria. "It's time to go now."

Pinulot ko ang suklay na nasa mesa at inayos ang buhok ko. Hindi ako nagtali at hinayaan ito na nakabagsak sa harap ng magkabilang balikat ko. Muli akong nakarinig ng katok kaya't tinapos ko na ang pag-aayos ng aking sarili.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa suklay. "Demigods." bulong ko at ibinaba ito.

Ngayong nakapagisip-isip na ako, may bahagi sa'kin na gustong manatili dito. Wala naman kasing laman ang buhay ko dati. Paulit-ulit ang nangyayari araw-araw at malaki ang paniniwala kong hindi na magbabago 'yon. Sobrang hirap kapag ang daming katanungan na kinikimkim mo lang sa sarili mo, dahil alam mong walang makakasagot nito.

Pero ang lugar na'to... pakiramdam ko ito na 'yon. Dito ko na malalaman ang kahulugan ng buhay ko at ang mga kasagutang noon ko pa hinahanap-hanap.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Saktong bumukas din yung pinto na katapat nung akin at lumabas yung Trev na suot ang kanilang uniform: black pants at bilang upper, ay combination ng white collared shirt, gray tie at maroon blazer na may school crest. Napagtanto kong mas maganda yung blazers nila kung ikukumpara sa vest ng girls dahil di katulad nung amin, open yung sa kanila kaya naka-expose ang buong necktie at meron din silang gold strips na nagsisilbing outline ng fabric.

Kasunod na dumiretso ang aking tingin sa palad niya.

Namamalik-mata ba ako o kumikislap nga ito?

Nakapamulsa siya nang mapansing nakatitig ako dito at walang kibong umalis sa harap ko, dahilan na magtaka ako.

Problema no'n?

Sumunod nalang ako sa kanya at sabay na lumabas ng dorm kasama yung iba.

"Claiming Ceremony happens at the start of every school year, where students get acknowledged by their deities." sagot ni Kara pagkatapos kong itanong sa kanya kung ano yung ceremony na pupuntahan namin.

"Pero yung best part, makakatanggap ka ng grace! Or should I say, allowance! Hahaha!" tuwang-tuwa si Chase nang makasingit siya sa usapan.

"Chase, mukha mo. PERA." komento ni Ria sa sinabi niya.

"Eh ikaw? Deghter ef Eres, the Ged ef Wer, et yer servece~" panggagaya ni Chase kay Ria, na mas lalong ikinainis nito. "Tss!"

"Shut your mouth or I'll-"

"Bakit? Magsusumbong ka sa daddy mo?"

Tuluyan na ngang nawala yung dalawa at narinig namin ang sigaw ni Ria mula sa unahan. "Wag mo'kong takbuhan! Baklaaa!!!"

Ewan ko ba kung dapat ba akong matawa sa kanila o kabahan dahil bago naglaho si Ria sa paningin namin, bitbit niya ang isang machete.

"Don't mind them." napailing si Kara. "They're just fond of teasing each other. You'll get used to it."

"Anyway, like what Chase said, it's the time of the year that we get to receive our graces, or in other words, gifts from our deities." nagpatuloy siya. "You can receive anything ranging from weapons, jewelries, instruments... anything."

Tumatango-tango ako. "Ahh..."

Tumigil kami sa harap ng malaking doorway na triangular arch. Nakaextend ang tuktok nito sa kisame. Sa magkabilang gilid nito ay may dalawang columns na gawa sa limestone at nakastyle ayon sa arkitektura ng Ancient Greece. Alam ko ito dahil nanonood ako ng documentaries kapag nabobored ako sa bahay at isa sa mga napanood ko ay tungkol sa mga sinaunang sibilisasyon.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon