Dio's POV
I've had hopes for this mission...
HAD.
My feet are sore and my hands are burning. Sobrang hapdi ng balat ko dahil asido ata ang hangin sa lugar na'to. Hindi ko na rin kailangang lingunin ang mga kasama ko para malamang hindi lang ako ang naghihirap dito.
I tried my best to pretend I'm doing fine but walking on the streets of a whole territory situated under the earth is not something to endure for so long.
Kararating lang namin dito. Halos dalawang araw din naming hinanap ang eksaktong lokasyon nito, and as it turned out, nasa ilalim ito ng isang malawak na kagubatan.
Habang naglalakad sa lubak-lubak na daan, inilikom ko ang pagkayamot sa lugar.
This place is anything but pleasant. Mula sa kabahayan na gawa sa maiitim na bato, hanggang sa mga nilalang na naninirahan dito at kasalukuyang sinusundan kami ng tingin. In addition to this, wala rin silang source of natural light. They only have torches and burning pyres randomly put everywhere, with bones scattered around them.
In the case of the mortals, sigurado akong unang tapak palang nila dito, tumba kaagad sila. They'll suffocate for a few minutes before dying a slow and painful death.
"Grabe mga bro. Pwedeng labas muna ako? Mas lalong tumataas yung temperatura dahil sa presensya ko eh."
Akala ko wala nang ikalalala ang sitwasyon namin. Meron pa pala. Inaatake na naman kasi ng topak itong si Chase.
Yet, I envy him... pagka't mahangin pa rin siya, even in a place with acidic air, which is kind of impressive.
Napahinto kami dahil sa muling pagyanig ng lupa. It's as if this place is crumbling to pieces and if we don't hurry, it'll bring us down with it.
"How long have we been walking?" tanong ni Trev.
"For almost two hours now." sagot ko.
"Then let's walk faster." utos niya kaya bumilis ang bawat hakbang namin papunta sa malaking palasyo na natatanaw na namin sa malayo.
My awareness drifted to a woman cradling a baby, then to the two toddlers playing with torches and needles behind her. Hindi sila pangkaraniwang tao, and it shows how different they are from ordinary humans just by how they look. They all have red skin with overwhelming body piercings and tattoos. Their bright yellow eyes don't have corners at all. Sa halip, pinalibutan ang kanilang mga mata ng naglalangib na balat. Pati na rin ang kanilang mga ilong at bibig. And their clothes, were just pieces of brown fabric with skeleton teeth hanging from the edges.
Bumagal ang paglalakad namin nang lumitaw sa unahan ang isang grupo ng mga lalaking terrarians na may dalang mahahabang sibat.
"Sa tingin mo bro, makakausap kaya natin ang mga 'yan?" Pinatong ni Chase ang kanyang kamay sa balikat ko.
"Sa tingin ko..." Bigla silang sumugod sa direksyon namin. "Sa tingin ko hindi." Tinapik ko ang kamay niya kaya inalis niya ito mula sa balikat ko.
"Gano'n naman pala. EH DI TAKBO NA TAYO MGA TSONG!" sigaw niya saka kami umikot at kumaripas ng takbo.
Lumabas mula sa bawat sulok ng kabahayan ang mas marami pang mga terrarians kaya habang tumatagal, dumarami silang naghahabol sa'min.
Nag-uunahan kaming tatlo sa pagtakbo. Tatlo nalang kami dahil iniwan kami ng napakaloyal naming kaibigan na anak ni Hermes.
I should have pulled that demigod in place before he escaped on his own. Kung saan na siguro nagtatago ang kumag na 'yon dahil tuluyan na nga siyang hindi nagpakita sa'min nang magsihintuan na kami.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...