XXVII | Cup Of Coffee

281K 10K 2.5K
                                    

Ria's POV

Kung bakit ganito si Art, hindi ko alam. Ano ang trip ng babaeng 'to at hinahatak ang suot kong top, hindi ko rin alam.

"Du'n tayo Ria oh! May girl version ni Mojojojo! Naka-skirt! Color pink!"

Alam ko na pala. Ito ay dahil may nakita siyang naka-display na girl version ng unggoy na number one sa hitlist ng powerpuff girls na 'yan. Napilitan akong sumunod sa kanya kasi nga, hatak-hatak niya yung damit ko.

"Art. Can you like, stop doing that?" I said, with my arms draping on both sides, and with my back slightly bent backwards because of her constant tugging.

I exhaled a deep breath. Why do I always end up being with Art? Nasa mall kasi kami, naghihintay kina Kara at Cesia na may binili. Ang sabi, saglit lang daw sila and now, I'm starting to think na inabandona na talaga ako ng dalawang 'yon at tuluyan na ngang ibinilin sa'kin si Art.

Nakarating kami sa tapat ng entrance ng Toy Kingdom nang marinig ko siyang tumili. "Oh my Grace! May bagong merch?!" Hindi niya pa rin ako binibitawan kahit nung nagtatalon-talon na siya sa tuwa. "Huwaaah!!"

Ginantihan ko ng tingin ang mga taong nakatitig sa'min atsaka tinaasan sila ng kilay. "What the heavens are you looking at?!" Gods. Baka napagkamalan na ako ditong isang batang ina. Tsk. Ano ako? Nabuntis nung one-year-old palang?

"Samahan mo'ko Ria!" Binigyan ako ni Art ng kanyang puppy eyes. "Sige na puh-lease?"

"Hindi kita sasamahan." sagot ko. "Sasakalin, oo."

"Ay! Ria naman ih!"

I really thought that her addiction to those bunch of cartoon girls was just a phase. Nagkamali ata ako, because this isn't just a phase anymore. It's a goddamn lifestyle. Para pa rin siyang bata, even after how many years in the Academy.

But then, she's not weak or fragile at all. She never was, is and will be. Pagka't may kakaiba siyang liwanag na sa kanya lang. Liwanag na hindi napapawi... kahit-

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mahinang tawa ng dalawang babae na nakaupo sa isa sa mga tables sa labas ng coffee shop, katabi ng Toy Kingdom. They both gave me scorning looks as their eyes slid down from my head down to my waist.

Dahil dito, napayuko ako para tignan kung anong meron.

And so, napag-alaman kong nawala na yung batang nakakapit sa'kin... pati na rin ang bahagi ng damit ko na kinapitan niya. In other words, pinunit ni Art ang lower half ng suot kong shirt kaya nakalantad sa lahat ang bare stomach region ko at kamuntikan na ang aking bra.

"Shit-" I briskly grabbed both ends of my freshly-ripped cloth and tied it to form a knot. "Shit Art!" I tried so hard to compose myself, kasi hindi araw-araw na nahuhubaran ka nang ganito sa isang pampublikong lugar.

Pagkatapos, namumula ang aking mukha nang i-angat ko ang aking tingin. Hindi ito dulot ng hiya, kundi dahil galit ako. At itong galit na'to...

Ay hindi para kay Art.

My lips formed a mischievous grin once I noticed two boys sitting in front of the girls. Nakatingin pa rin sa'kin yung dalawang babae kaya pinadalhan ko sila ng manamis-namis na ngiti saka dahan-dahang pinatakbo ang aking mga kamay sa tiyan ko at hinigpitan ang pagkakatali ng aking damit.

"Mortals." bulong ko. I can't believe they have the audacity to ridicule when something embarrassing happens to others, when they should be sympathetic dahil hindi sila ang napahiya.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon