LIV | Silence

212K 9.3K 9.9K
                                    

Cesia's POV

Bahagya akong umikot sa harap ng salamin para tignan kung may adjustments pa ba akong dapat gawin sa gown ko. Parehong midnight blue ang halter top nito at satin skirt. Sa bandang dulo ng skirt mayroong maliliit na diamonds kaya ito lang ang bahagi ng gown ko na kumikinang, dahil rin dito, nagsuot ako ng diamond bracelet at earrings para balanseng tignan.

Tinali ko ang buhok ko sa isang maluwag na bun kung saan may iilang hibla na nakababa. Hindi ko na naman kailangan gumamit ng curler para dito kasi natural na naman ang pagka-wavy ng buhok ko.

"Okay na siguro 'to..." bulong ko.

Pagkatapos, nilingon ko ang heels na naghihintay sa'kin sa paanan ng higaan.

Ito na. Ito na ang totoong challenge.

Umupo ako sa tabi nito at inangat ang aking mga paa. Ayon kay Ria, hatinggabi pa matatapos ang selebrasyon kaya siniguro kong maayos na nakakapit ang straps ng heels sa magkabilang paa ko habang nagdadasal kay Aphrodite na huwag niya akong hayaang magkapaltos-paltos dahil sa oras na makaramdam ako ng hapdi sa likuran ng paa, wala na akong pakialam makipaghalubilo sa iba nang nakapaa na lang.

Tumayo ako at sa laking gulat ko, wala akong nararamdamang bigat sa mga paa ko. Hindi kagaya ng dati, walang kahirap-hirap ang paglalakad ko. Tanging tunog lang ng pagtama ng takong sa sahig ang nagpapaalala sa'kin na nakasuot nga pala ako ng heels.

Napangiti ako at dumako na sa pinto para buksan ito.

"See? Bagay sa'kin! Si Cesia pumili! Wieee!" Matinis na boses ni Art ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng kwarto. Umiikot-ikot siya sa harap ni Cal na nakahilig sa sandalan ng sofa at umiinom ng tubig. Kung gaano ka-colorful ang pastel gown ni Art, gano'n din ka-colorless ang suit ni Cal. Wala naman kasing ibang kulay ang suot niya maliban sa black. Mula sa kanyang sapatos, pantalon, at coat hanggang sa vest, tie, at collared shirt na nasa ilalim nito.

Kasunod akong napatingin kay Dio na kapapasok lang mula sa balcony. Nakakunot ang kanyang noo habang inaayos ang dulo ng magkabilang sleeves niya. "I never liked wearing these." Hinatak niya pagitna ang lapel ng maroon coat niya. "Tsk."

Nasa kusina naman si Ria, tila may hinahanap sa loob ng freezer. May inilabas siya mula dito at saka ko lang nalaman kung ano ito nang umikot siya suot ang isang matagumpay na ngiti. "I knew it." Narinig kong sabi niya. "May isa pa akong hindi naubos."

Bitbit ang isang container ng ice cream, kumuha siya ng kutsara at sinimulang ubusin ito. Tumigil lang siya nang mapansin akong papalapit sa kanya.

Suot niya ang pulang long gown na pinakahuli niyang nabili noong naghahanap pa kami ng masusuot. Sleeveless ito na may kasamang malalim na neckline. Mahigpit na nakakapit ang gitnang bahagi ng gown sa baywang niya at mayroon ding slit na tumatakbo sa gilid ng skirt, binubunyag ang makinis niyang binti.

"I can crush a skull with my legs." aniya. "Want to see?"

Natawa ako nang marahan saka umiling.

"Ria?" Narinig ko ang boses ni Kara kaya napalingon ako at nakita siyang patungo sa kinaroroonan namin. "The lanterns?"

Bumaba ang aking mga mata sa suot niyang lace dress. Emerald green ang kulay nito at off shoulders ang pang-itaas na may mahabang sleeves. Higit pa sa talampakan ang haba ng skirt nito kaya nagmistulang pudla na nakapalibot sa paanan ni Kara ang pinakadulong bahagi ng dress at gumagalaw ito sa bawat hakbang niya.

"Don't worry, hindi ko nakalimutan." sagot ni Ria. "I'll have Chase prepare them."

Kumunot ang aking noo.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon