Epilogue

298K 11.3K 7.4K
                                    

Cesia's POV

Dali-dali kong dinampot ang ID mula sa mesa at patakbong tumungo sa pinto, pero bumalik din ako sa mesa para ayusin ang picture frame na natumba.

"Alis na kami, Auntie!" paalam ko rito saka nagmamadaling lumabas ng kwarto, hatak-hatak ang maleta ko.

Nadatnan ko sa sala yung iba na bitbit din ang kanilang mga bagahe.

"Have you checked your things?" tanong ni Ria.

"Kagabi pa," kampante kong sagot.

"Sigurado ka?" karagdagan niyang tanong. "Wala ka nang nakalimutan?"

Hindi ko alam kung tatanguan o iilingan ko ba 'yong dalawang tanong niya kaya masaya ko nalang na kinisap-kisap ang aking mga mata.

Mahina siyang natawa. "Okay then." Nilingon niya si Chase. "Chase."

"Teka-" Tumalon-talon si Art habang nakayakap sa tatlong stuffed toys niya. "Sabi ni Chase, pwede raw ako!"

Kumibit-balikat si Ria.

"Dorm!"

Pinigilan kong mapangiti nang mapaiwas ang mga ulo nung iba dahil sa matinis na boses ni Art.

"Activate! Vacation Mode!"

Dumilim ang loob ng buong dorm, at narinig namin ang pagbaba ng protective panels ng bawat bintana, at ng balcony.

"Ang cool pa rin," pabulong kong puna.

"Galing, ah," ani Chase.

"Thank you, Chase!" nagagalak naman na sabi ni Art.

Tumikhim si Trev at pinangunahan kami sa paglabas ng dorm.

Nasa hallway kami, at nakasunod lang ako kay Ria nang may mapansin ako.

Huminto ako at nilingon si Art na naiwan dahil sa laruan niyang nahulog at kapupulot niya lang mula sa sahig. Pinagpag niya ang damit nito at nang makita ako, dali-dali niyang hinila ang maleta niya at sinabayan ako sa muli kong paglakad.

Naamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak mula sa kanya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.

"Binisita mo si Auntie?" tanong ko.

"Mmm!" Malapad siyang ngumiti. "Ikaw ba yung naglagay ng take-out?"

"Sinigang 'yon," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Na ako ang nagluto."

"Alam ko," aniya. "Binuksan ni Blobblebutt, ih."

Napakurap-kurap ako. "Kinain niya?"

Mabilis na naglaho ang kanyang ngiti, kaya mahina akong natawa.

"Nagustuhan niya ba?" dagdag ko pa, na ikinaliwanag ng kanyang mga mata.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa tatlong laruan na nasa bisig niya at agresibong tumango-tango.

"Cesia," sambit niya, habang papalabas kami ng Academy.

"Art?"

"Anong favorite color mo?"

"Hmm..." Napaisip ako sa tanong niya. "Kahit ano."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon