XLI | Energy

237K 9K 2.4K
                                    

Art's POV

"Cesia!" bati ko sa kanya, sabay talon sa kanyang harapan. "May gagawin ka ba mamaya?" tanong ko habang pinapanood siya na inaayos yung bag niya.

"Wala naman." sagot niya pagkasara niya nung zipper. "Bakit?"

"Kasi..." Dahil advanced akong mag-isip, in-advance ko rin yung puppy eyes ko na alam kong walang tao na makakatanggi. MUAHAHA!

"Umm... gusto ko sanang magpasama sa mall ih..." Sinigurado kong kasing-cute ni Bubbles yung boses ko. "Bibili ako ng ingredients para sa dinner natin."

"Gano'n ba?"

Tumatango-tango ako.

"Pero okie lang kung ayaw mo. Busy rin kasi yung iba sa imitators na yun ih." Yumuko ako at pinipilipit yung mga daliri ko. "Hindi naman ako namimilit-"

"Hindi. Okay lang." aniya. "Sasamahan kita."

Palihim akong nag-evil smirk. "Okie dokie! Sa dorm muna tayo para makapagbihis!"

Sabay na kaming lumabas ng classroom. Tahimik lang kami habang naglalakad sa corridors hanggang sa tanungin niya ako kung nasa'n si Cal. Napansin niya kasing hindi na kami madalas magkasama.

"Si Cal kasi yung representative ng Alphas sa tuwing may mga meetings or formal gatherings." sagot ko. "Malay ko ba kung bakit panay na yung pagtawag ng faculty sa kanya."

"Akala ko responsibilidad 'yan ni Trev?"

"Istorbo lang yan para kay Trev." paglilinaw ko.

Kanina lang, nakita ko si Trev sa sala kasama sina Kara, Ria, at Dio. Sa tuwing lumalabas ako ng kwarto, sila parati yung nakikita ko, pinapalibutan yung mapa at pinag-uusapan ito. Gusto ko sanang sumali pero nung nagtangka akong lumapit sa kanila, nakita ko kung paano sila nagpalitan ng kakaibang tingin.

"Kawawa naman si Cal." puna niya. "Gusto mo gamitin ko yung ability ko para utusan si Trev na um-attend sa mga meetings?"

Napahinto ako pagkatapos marinig yung sinabi niya.

Si Trev? Gagamitan niya ng abilities?

"Pfft- HAHAHA!" Bumulalas ako ng tawa. Akala ko sasabayan niya ako at dalawa kaming tatawa sa joke niya pero tinitigan niya lang ako.

"Wait. Seryoso ka?" Kumurap-kurap ako.

"B-Bakit?" Halatang ipinagtataka niya yung reaksyon ko kaya muli akong humalakhak.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglakad.

Ilang sandali pa'y bumalik na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Cesia. As usual, maraming mga mata ang nakasalubong namin sa bawat sulok ng hallways, pero mukhang nasanay na itong kasama ko.

"Cesia, pansin mo rin ba yung atmosphere? Parang unti-unting nagbabago. Ano sa tingin mo?" Nginitian ko ang mga Beta students na nakatambay sa labas ng classroom nila.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parang..." Daglian akong nag-isip sa karugtong ng sasabihin ko. "Parang may mali."

Ang creepy nga ih! Hoho! Kasi hindi ko na naririnig ang boses ni papa sa tuwing tinatawag ko siya. Pakiramdam ko dapat akong kabahan pero di ko pa alam kung bakit ihh kaya... kinakabahan na nga ako ng tuluyan.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon