Dio's POV
The painful throbbing in my head finally subsided after my eyes returned to its original color.
"Gods." I sighed, exhausted. "I'm done."
I already lost count of how many minutes I spent summoning one earthquake after another to separate the edge of the forest from the land where the enemies kept on appearing.
It sounds impossible, I know, and so I think-
Nanghihina akong napaupo sa lupa. Itinukod ko sa likod ang aking magkabilang palad at napatingala sa matinding pagod.
I might just need a bit of rest.
Tagaktak ang aking pawis habang binabawi ang hangin at lakas na nagamit ko upang matupad ang misyon kong gumawa ng sarili naming barrier laban sa paparaming mga kalaban.
Tinuwid ko ang aking ulo pagkatapos marinig na may nahulog sa malalim na espasyo ng lupa na kagagawan ko.
I grinned at the giants who slipped on the edge of the other cliff and fell to their deaths. But my smile was quick to fade when I remembered that separating land wasn't the only thing I had to do.
Nilingon ko si Trev na blangkong nakatuon sa kabilang panig ng lupa habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. At mula sa mga kalaban na nakasadsad sa kabila, madahang lumipat ang kanyang mga mata sa'kin.
"Do I really have to?" pagod kong tanong.
Gumalaw nang kaunti ang kanyang ulo paharap sa gawi ko.
"Fine." Labag sa loob kong pinagpag ang aking magkabilang palad at saka tumayo. "But don't blame me if you're gonna have to carry me back to the Academy, Trev."
Kumunot lang ang kanyang noo dahilan na mapailing ako. Pagkatapos, humarap ako sa malaking bitak sa lupa.
My head lowered as the weight of gravity fell upon my shoulders. Gathering energy within my hands, I used my ability to locate the nearest waters.
I sensed its calm, and I could smell it from afar. The scent of algae, musk....
Inangat ko ang aking mga braso, pasan-pasan ang bigat ng tubig na natunton ko ay nasa magkataliwas na direksyon.
Bahagyang umawang aking bibig nang magpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga at sa ilalim ng magkasalubong kong kilay, dahan-dahan kong sinulyapan ang mga nilalang na nasa kabila.
My lips parted again, this time, to let in another breath while my head slowly rose from the powerful feeling of being in control.
The familiar surge of strength that emerged from inside my body brought a mischievous grin on my face. Dahil din dito, lumiwanag ang kulay ng aking mga mata at nawala na ang dating bigat na naramdaman ko simula no'ng tinawag ko ang tubig.
Tinignan ko ang mga kamay kong magaan na sa aking magkabilang braso, at sa sandaling ibinaba ko ang mga ito, unti-unting nagparinig ang ingay ng rumaragasang tubig.
From either ends of the trench I have created, water loudly crashed against its solid walls and rushed towards the middle to fill the gap in between the land.
Napaatras sila pagkatapos malakas na nagtama ang tubig sa aming harapan at namuo ng ilog sa aming pagitan.
Nanatili akong nakatitig sa kabila kung saan may iilang mga kalaban na nagtangkang bumaba sa ilog.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...