XXIV | Hesperides

323K 11.3K 2.1K
                                    

Cesia's POV

Hindi ko matanggal ang aking tingin mula sa labas ng bintana dulot ng pagkahumaling sa napakagandang view ng mga lupain at katubigan na dinaraanan ng eroplano.

Para akong bata dito sa private jet ni Kara na panay ang pagliwanag ng mukha. Alam kong napaghahalataan na nung iba na first time kong sumakay ng eroplano, pero di bale na dahil ang mahalaga, nasa himpapawid na nga ako tas ka-level ko na yung mga ulap!

"Hmpf." Ito namang katabi ko, hindi maiguhit ang mukha.

"Art... ba't di mo dala yung mga plushies mo?" Nasanay na akong makita siya na yakap-yakap yung mga plushies niya pero ngayon, nakahalukipkip lang siya at tila nagmumukmok pa sa upuan niya. "Okay ka lang?"

Tungkol ba'to sa nasabi ko sa kanya kagabi?

"Under investigation pa sila." aniya nang hindi ako binabalingan ng tingin. "Nakikipagkuntsaba ata yung mga yun kay Ria. Psh." pabulong niyang sabi. "Mga bes sila."

"Ah..." Wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Gusto mo palit tayo ng seats? Tingin ka sa labas oh... ang ganda nung view."

"Ayoko." matipid niyang sagot.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Ibang-iba ang aura niya ngayon, pero nanatili pa rin yung pagiging cute niya.

Kanina pa talaga ako nangangating pisilin yung chubby cheeks niya! Cute! Cute!

"Masters, the plane is preparing for the final approach." Narinig namin mula sa speakers ang automated na boses ng eroplano. "Lowering altitude. Initiating autobrake system."

Ibinaba ni Kara ang libro na binabasa niya at napatingin sa labas. "Clearing?"

"Located." sagot naman nung eroplano.

"Centerline?"

"Visualized."

"Good." ani Kara. "Finalize coordinates. Activate barrier... and bring us down already."

"Yes, master."

Pinanood ko sa bintana ang unti-unting pagbaba namin hanggang sa mag-touchdown na nga kami. Nagulat pa ako nang biglang idinikit ni Art ang mukha niya sa salamin. "We're here!" nananabik niyang puna. "Iiihhh!" Tumatalon-talon siya habang nagtitili. "Tara! Tara!"

Parang kanina lang, nakasimangot pa siya ah...

Tumayo ako at sumunod kina Kara. Automatikong bumukas yung hatch ng eroplano kaya't nakalabas na rin kami. "Barrier Activated." Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang naging invisible yung aircraft.

"Alright!" Magkadaop ang palad ni Ria nang harapin niya kami. "Welcome to Ronda, Andalusia, Southern Spain- oh Gods! These mountains and valleys are stunning!"

Nasa gitna kami ng grassland at bukod pa sa nag gagandahang mountains at valleys na nakapalibot sa'min, napaka-aliwalas din ng panahon. Masarap sa pakiramdam ang preskong hangin na dumadapo sa balat ko...

Napangiti ako nang sumagi sa isipan ko si Auntie.

Kung nandito lang sana siya ngayon... para makita niya rin itong nakikita ko. Isa kasi sa mga pangarap ko ang makapagbakasyon sa ibang bansa kasama siya. Gusto ko siyang dalhin sa mga magagandang lugar tulad nito, at masdan ang mga mata niyang kumikinang sa tuwing may nakikita siyang kamangha-mangha.

Kaya ipapangako ko sa sarili ko, na pagkatapos ng school year na'to, babalik ulit ako dito at dapat siya na yung kasama ko.

"Art, can you lead us to the place?" tugon ni Kara.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon