XLIV | Nightmares

213K 9.3K 4.7K
                                    

Cesia's POV

"Wag mong isarado yung windows, please." pabulong na tugon ni Art sa'kin. Nakahiga siya sa kama ko, naka-pajama, at yakap-yakap ang tatlong powerpuff girls niya.

Iniwan kong nakabukas ang mga bintana bago tumabi sa kanya.

"Goodnight, Cesia." Napahikab siya bago idiin ang kanyang mukha sa mga plushies niya. "Love kita, alam mo 'yan."

"Alam ko..." Nakasandal ang aking likuran sa headboard habang hinahaplos ang buhok niya. "Goodnight, Art."

Lumipas ang isang minuto nang marinig ko ang mahihina niyang hilik. At sa likod ng tunog, may iba pa akong ingay na narinig.

Kanina ko pa ito napansin, pero ngayon ko lang pinagtuunan ng atensyon.

Dug dug. . . .

Ilang segundo akong tumitig sa harapan, sa kawalan, habang pinapakinggan ito na lumalakas sa pandinig ko.

Dug dug. . . .

Naunang dumako ang aking mga mata sa direksyon ng pinto, bago dahan-dahang lumingon ang aking ulo rito.

Dug dug. . . .

Inayos ko ang kumot na nakapatong kay Art at saka tumayo at tumungo sa pinto para buksan ito.

"Tulog na siya." Pagbibigay-alam ko kay Cal na siyang nagmamay-ari ng heartbeats na naririnig ko mula sa kabilang dako ng pinto. "Kanina ka pa diyan. Wala ka ba talagang balak na kumatok man lang?"

"Can I see her?"

Tumango ako at pinatuloy siya sa loob.

Dumiretso naman siya kay Art at doon umupo sa tabi niya.

"Madali naman siyang pakalmahin." Lumapit ako kay Cal na tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na anak ni Apollo. "Magiging okay rin siya." Baka nga bukas na bukas, bumalik na siya sa pagiging energetic niya, dahil 'yan ang Art na kilala namin.

"How did she know?"

Kumibit-balikat ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no niya nalaman lahat."

Ewan ko ba pero nakakapanibago para sa'kin ang makita siyang... emosyonal. Nawala na ang malamig na hangin na parating nakapalibot sa kanya dahil pinalitan ito ng pag-aalala, at kaunting kalungkutan.

"Cal, kaano-ano mo ba si Art?" Hindi ko napigilang magtanong. Iba kasi eh... Ibang-iba ang samahan nilang dalawa, na para bang-

"My wife."

Sasabihin ko sanang para silang mag-jowa... "A-Ano?" Pero mag-asawa?! Mag-asawa talaga?! Hindi ko inasahan 'yon!

"Paano?" Kasal sila?! Like husband and wife?! For better or for worse???

"Married in the Underworld with my father's... blessing."

Napansin ko ang paglalim ng boses niya nang pakawalan ang huling salita.

"There's really not much to know except that she was forced to. We're legally married in both realms but what happened to us... I can't call it the right way to get married."

Nangangalit ang kanyang bagang nang ilihis niya ang kanyang tingin mula kay Art. "No one deserves such marriage... especially her."

"Pasensya ka na kung naitanong ko 'yon. Hindi ko alam..."

"I'm just glad she's fine." Napabuntong-hininga siya. "You'll take care of her, right?"

Tumango ako.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon