Ria's POV
"Where the hell are they?" I blurted out while running along the woods.
Being chased by giants didn't bother me at all. The fact that I still couldn't sense the other Alphas' presence did.
So, again, where the hell are they?
Naiinis kong hinatak ang espada na binaon ko sa hita ng cyclops na dinaanan ko. Bahagyang sumubsob sa putik ang aking paa nang pumihit ako paikot sabay hagis nito paangat sa tagiliran ng halimaw.
Napaatras ito at nagpakawala ng iyak pagkatapos masaksak, at tila hindi pa kuntento, tumakbo ako patungo rito. Tumalon ako sa binti nito at mula rito, ay lumundag patungo sa balikat nito.
His strength was twice than that of the giants' we fought for training. Binilisan ko ang aking mga galaw, pero mas naging maingat din ako.
Before the creature could shove me off from its shoulder, I pulled my hand back and summoned a long silver sword that I quickly plunged on its neck.
Tumalon ako pababa mula sa balikat ng cyclops na agarang napahawak sa leeg nito.
I fell on the ground the same time the monster shook the earth with a loud thud.
Lumingon ako pataliwas sa cyclops dahil sa amoy ng usok na bumuga mula sa ilalim ng nahulog nitong katawan.
Gods. Their clothes smell like dried skin. Or is it really?
Muling gumalaw ang lupa dahil sa mabibigat na mga yapak ng isa pang cyclops na tumatakbo patungo sa'kin, at nakita kong may dala itong puno ng kahoy bilang pamalo.
I quickly summoned a sword in my right hand, and a spear in my left.
Naglakad ako upang salubungin ito. Pinihit-pihit ko ang espada na bitbit ko at nang humilig ang dalang kahoy ng cyclops sa kinaroroonan ko ay sinaksak ko ang espada rito at saka kumapit nang makasabay ako sa pag-ugoy nito.
Fortunately, the cyclops swung it high enough that after letting go of my sword, I flew upwards where I was able to aim the spear at its' eye and throw it.
Nagpakawala ito ng dumadagundong na ungol nang bitawan ang kahoy at napahawak sa sibat na nakasaksak sa gitna ng noo nito.
Hinatak ko palikod ang aking mga kamay at nag-summon ng dalawang espada.
Napaatras ng isang hakbang ang cyclops bago matumba. Lalapit na sana ako rito upang pugutan ito ng ulo nang bigla kong narinig ang tinig ni Chase.
"Nadaanan ko sina Kara!" Lumabas siya mula sa likod ng mga puno. "Papunta na sila rito-" Mabilis siyang naglaho at lumipat sa ibang pwesto isang segundo bago tumama ang pamalo ng cyclops sa dating kinatatayuan niya.
"Tsk." Sayang.
"Oh?" Luminga-linga si Chase. "Sa'n na yung mga bro ko?"
Nilagpasan ko siya at dumako sa cyclops na nagtangkang maupo. Hindi ko ito binigyan ng pagkakataon na tuluyang makatayo at pinako ang isang kamay nito sa lupa. Napaiyak ito sa sakit ngunit agad itong napalitan ng isang laguklok pagkatapos kong itulak ang buong blade ng isa ko pang espada paangat sa lalamunan nito.
"Where the hell did you come from?" tanong ko kay Chase na kumawag-kawag ang labi nang lingunin ko, sabay hatak ng aking espada mula sa leeg ng cyclops.
I could feel my power starting to drain after summoning a lot of weapons, kaya naisipan kong kunin ang espada.
"Kanina pa namin sila hinihintay dito," sabi ko kay Chase.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...