Cesia's POV
"Why do you think they summoned us?" tanong ni Ria na nakaupo sa backseat.
Gano'n pa rin ang arrangement namin. Si Art ang nagda-drive, ako sa passenger seat, at yung dalawa pa naming kasama na nasa likuran.
Napatingin ako sa salamin at nakita si Kara na nagngangalit ang ngipin habang nakadiin ang paningin sa katabi niyang bintana. Naalala ko yung reaksyon niya nang sabihin ko sa kanila na tumawag yung Academy para pabalikin kami. Halatang hindi niya 'yon ikinatuwa.
Ipinaliwanag naman sa'kin ni Ria na first-time 'tong mangyari. Yung pinapatigil sa gitna ng misyon. Kung tutuusin, hindi pa nga kami nakakalahati sa misyon namin eh dahil sobrang dami pa ng pagkukulang namin, wala pa nga kaming napupunang lead sa pagkawala ni Kaye. Kaya nakaka-frustrate din, lalo na kung lubusan ka nang nakatalaga sa paghahanap ng sagot sa mga katanungan mo.
"Mabuti na rin siguro yun ih..." ani Art. "Miss ko na kama ko. Huhuhu."
Napansin ko ang dahan-dahang pagpatak ng ulan. Dumapo ang aking tingin sa maliliit na butil ng tubig sa bandang itaas ng bintana.
At dahil wala akong ibang magawa, nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagche-cheer sa mga ito, na para bang nasa isang karera sila. Kung aling droplet ang unang makakarating sa finish line, o sa window sill, ang siyang panalo!
Mayamaya'y, tuwang-tuwa ako nang nilagpasan ni Droplet Number Three sina One at Two. Pero bigla nalang siyang tumigil kaya naunahan na siya nung dalawa. Aish.
May isang droplet na sumingit sa race track kaya tatawagin ko na siyang si Number Four. Nilagpasan niya rin si Three na napagod ata dahil di pa rin siya gumagalaw hanggang ngayon.
Sayang. Nakitaan ko pa naman siya ng potential nung una.
Nakita kong nagsama-sama sina One, Two at Four. Bumigat ang kumpulan ng droplets kaya't dumaloy kaagad ito pababa.
Teka! Teka! Bawal 'yan ah? Ang unfair lang sa manok ko. I proclaim justice!
Tinapik ko ang bahagi ng bintana kung saan naka-standby si Number Three dahilan na bumaba na siya, nang bumaba...
Sa laking gulat ko, sumama siya kina One, Two, at Four.
Huh?!
Hindi ko inasahang makikiisa din pala siya sa iba pero tanggap ko na ito, kasi sabay naman silang dumaloy patungo sa finish line eh. Okay na 'yan. Sabihin nalang natin na napaka-selfless ni Three kaya...
It's a quadruple tie! Unbelievable!
Napasandal ako sa upuan nang mapagtanto kung ano yung pinanggagawa ko.
Ramdam ko naman kasi ang lalim ng pag-iisip nung mga kasama ko. Medyo kinakabahan nga ako para kay Art kasi nagmamaneho siya, tapos panay ang pagsingkit ng mga mata niya na parang may hinuhula.
Baka tuluyan na siyang matangay ng iniisip niya at madisgrasya pa kami dito.
Napabuntong-hininga ako. Sana man lang kahit background music para feel na feel ko yung ulan...
Palihim kong tinignan yung tatlo nang lumabas ang isang ideya sa utak ko. Inayos ko ang aking pagkakaupo saka ipinatong ang kanang kamay ko sa aking hita. Bahagya kong inangat ang aking palad, sa direksyon ng center console ng sasakyan.
Gamit ang bracelet, pinindot ko ang mp3 button at maingat na inikot ang volume knob. Naririnig ko na yung music kaya napatingin ako sa kanila na wala pa ring reaksyon.
Alright. Mukhang hindi nila napapansin o pinapansin ang pangingialam ko sa controls. The coast is clear. Pinagpatuloy ko ang pag-increase nung volume at gano'n pa rin sila, hindi ako kinikibo.
'We know full well there's just time. So is it wrong to dance this line?'
Nilakasan ko pa ito.
'If your heart was full of love. Could you give it up?'
Napangiti ako dahil sa pamilyar na kanta. Narinig ko na 'to dati. Kasali ito sa soundtrack ng isa sa mga movies na nagpaiyak sa'kin.
'Cause what about, what about angels?'
'They will come, they will go, make us special.'
Saktong-sakto sa plano kong mag-emote dito sa loob ng kotse ah? Ang galing!
Chase's POV
"Hoy bro! Tangina. Itigil mo na nga 'yan. Nahihirapan na akong magmaneho eh!" Halos di ko na makita yung daan dahil sa fog na dala nung malakas na pag-ulan.
Porke't bad mood, dadamayin pa talaga ako? Eh ang saya-saya ko nga kasi matapos ang ilang araw ng pagdurusa, sa wakas ay makakabalik na ako sa Academy. Bakit? Pakialam ko ba sa misyon na 'yan?
"Ibabangga ko talaga 'to!" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa manibela at marahas itong inikot. "Oh sige! Ha!" Bayolente kong iniliko-liko yung sasakyan. "Gusto niyo palang masampolan?!"
"Stop it! Chase! Trev!" Nakakapit si Dio sa hawakan na nakakabit sa bubungan ng kotse.
"Tch."
Narinig namin ang malakas na kulog bago tumigil sa pagbuhos yung ulan. Nang bumalik na ang dating maaliwalas na langit, ay ibinalik ko na rin yung sinasakyan namin sa dati nitong landas.
Ibang-iba rin 'tong si Trev eh. Alam kong disappointed silang tatlo pero siya lang ata yung nireregla sa kanila. Ang kapal pa ng mukhang mandamay. Kaya siguro wala pang babaeng nagtangkang maging side chick- este girlfriend nito. Napakahirap naman kasing pakisamahan.
Buti pa ako. Gwapo na, mabait pa. Di katulad nitong mga kasama ko. Parati ko pa ngang ipinagdadasal kay Hermes na sana'y hindi ako mahawa sa kanila dahil alam kong magiging mahirap ito.
Magiging mahirap ito sa mga estudyante ng Academy na masipag na nag-aaral dahil sa'kin.
Lumitaw ang isang sasakyan sa side mirror. Tumabi ito sa'min at bumusina. Napalingon ako at nakita yung girls na nakatingin din sa'min. Pinahirit ko ang sasakyan para maunahan sila at ilang sandali pa'y, napansin ko ang biglaan nilang paghinto kaya pinabagal ko ang takbo namin.
Nagulat ako nang umandar ulit yung kotse nila at mabilis na humarurot pasulong. Nilagpasan nila kami at saka ko lang nasulyapan ang babaeng nakangisi sa tapat ng steering wheel... si Ria.
Pagkatapos, sinigurado kong naka-set sa overdrive ang sasakyan.
I smirked.
Sabay apak sa accelerator.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...