Art's POV
"Selene, Artemis, and Hecate. They are labeled as the three lunar goddesses, for they bear the symbols of the moon, the night." binasa ni Kara ang libro na nasa kamay niya, at binabasa niya ito para kay Cesia na walang ideya sa paparating na selebrasyon ng Academy.
Sinabi niya kasi sa'min na gusto niyang pag-aralan ang lunar deities kaya heto, sinamahan namin siya dito sa library. At dahil dito lang din naman kami, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pag-investigate sa mapa, para maging busy rin ako.
"Di katulad ng isa diyan... hmp!" Sinamaan ko ng tingin si Ria na ginawang unan ang isa sa mga libro sa mesa.
"I can hear you, Art." nanlalamig na sambit ni Ria.
"Malamang may tenga ka ih." sagot ko. Luh! Mas nakakagulat siguro kung sabihin niyang di niya ako naririnig ano?
Inangat niya ang kanyang ulo para tignan ako. "May leeg ka rin naman, gusto mo baliin ko 'yan?" pagbabanta niya sa'kin.
"Ria, hindi nage-exist yung leeg para lang baliin ng isang bored na anak ni Ares."
"Yeah, sorry. I forgot. You're not supposed to break necks." Sinarado niya ang libro na hinihigaan niya. "You're supposed to slit them." dugtong niya, na may kasamang aksyon ng ginigilitan ang leeg.
"Huy!" Napaigtad ako sa upuan. "Kara oh! Pinagtitripan na naman ako ni Ria!" Tumakbo ako at nagtago sa likuran ni Kara na napahinto sa ginagawa niya. Nakuha ko rin ang atensyon ni Cesia na napatingin sa'kin.
Narinig namin ang halakhak ni Ria na agaran namang naputol dahil sinaway siya nung librarian na naiingayan sa kanya.
"Tsk." Inisnaban niya yung aurai.
"You can go back to the dorm, Ria." suhestyon ni Kara. "If you badly want to sleep."
"Nah. I'm good." Tumayo si Ria saka kinuha ang libro sa harapan niya. "Maghahanap nalang ako ng bagong book. Yung hindi kasing-boring nitong binabasa ko." Ipinakita niya sa'min ang cover page nito.
'Nymphai Philosophy: Healing through the Environment'
Psh! Paanong hindi siya mabobored eh thesis ng mga beta students yung binabasa niya ih! Nagbabasa ba talaga siya? Huh?
"Eh ako? Pwede na rin ba akong bumalik sa dorm? Hihihi."
Sinulyapan ni Kara ang nakalatag na mapa. "No."
"Tch!" Padabog akong bumalik sa upuan ko.
So ayun na nga. Nakipag-staring contest lang ako kasama yung map sa kasunod na kalahating oras. Minsan feel ko nga kinikindatan nito ako ih-
Napansin ko si Ria na binabatuhan ako ng nasusuyang tingin. "Kara, Art's making weird faces again. Should I be worried?"
Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Kara.
"Start worrying if she stops making those weird faces."
Kumibit-balikat si Ria. "True."
Napasapak ako sa mesa. "H-Hoy!"
Pagkatapos akong mapasigaw, suminghap ako sabay lingon sa librarian.
Oh no!
Halatang nagalit ko siya kaya napa-peace sign ako. "H-Hehehe... sorry po." Nag-bow ako atsaka umupo.
Binelatan ko si Ria na tuwang-tuwa sa nangyari sa'kin.
Sa huli, napabuntong-hininga nalang ako at patagilid na binagsak ang aking mukha sa ibabaw nung mapa. Pinatakbo ko ang aking hintuturo sa lumang papel habang nagha-hatch ng escape plan mula sa anak ni Athena.
BINABASA MO ANG
Olympus Academy (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previous school. It only took a day for her world to change. As a new member of Olympus Academy, the f...