(14)Weakness

41 9 3
                                    

"Alex!!! Galingan natin mamaya ha!"ang biglang sigaw sa'kin ni Hannie sabay yakap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alex!!! Galingan natin mamaya ha!"ang biglang sigaw sa'kin ni Hannie sabay yakap.

Close na nga kami nitong babaeng ito e kaya yumakap na lang din ako.

Nawala ako sa mood e.

"Oo naman 'no! Try ko best ko para manalo" Sabi ko.

Tapos napatingin ako bigla kay Gianne at binati na lang nya ako ng Good Luck.

Sa aming magkakatropa , sya 'yong mahinhin atsaka hindi pala-imik.

Umupo na lang ako sa bleachers at tumabi naman sa'kin si Hannie.

"Is there something wrong?" Tanong nya.

Tumingin na lang ako sa kanya saka umiling at sabay ngumiti.

Napansin ko na pareho kami ng jersey kaya pinatalikod ko agad sya para malaman ko kung pareho ba talaga kami.

Napansin ko na pareho kami ng jersey kaya pinatalikod ko agad sya para malaman ko kung pareho ba talaga kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ilagan 16" Ang pagbasa ko sa likod niya.

Parang may kakilala akong Ilagan, hindi ko lang matandaan kung sino.

"Kaanu-ano mo yung hiniraman mo niyan?" Tanong ko tapos ngumiti lang sya sa'kin ng nakakaloko.

"Alam na..." Sabi ko pero sya, nakangiti parin.Iba talaga kapag pumapag-ibig.

Tapos di ko namalayan na dumating na rin pala sina ate Bianca at Elize.

"Guys! After a minute, siguro magsisimula na yung game, Good luck" ang sabi ni Troy kaya bigla akong kinabahan.

After a minute nga, nagsimula na 'yong game.

Gumawa kami ng circle and---

"Lord!!! Bless nyo po sana 'yong game namin. Ang bawat isa po samin ay nawa malayo sa kapahamakan at sana po manaig ang sportsmanship."ang pagli-lead ng prayer ni Elize.

"Amen..."ang sabay naming lahat na sinabi.

"Good luck girls! "-ang pag-cheer up ni Spade tapos lumapit sya kay Gianne na parang may sinabi.

Pagkatingin ko kina Troy at Frances, nag-uusap rin sila.

Lumingon ako sa paligid at napansin ko 'yong dalawang magkayakapan.Si Ex at si Daña.Pero agad ko ring inialis ang mata ko sa kanila.

"Friend!!!"ang rinig kong sigaw ni Friend kaya hinanap ko agad 'yong boses na 'yon kung saan galing.

Nag-wave na lang ako sa kanya kahit na nakakalungkot kasi kung andito lang si Xyrex, mayroon din sa'king nagchi-cheer up ngayon tulad nila.

Hayyyys...bakit kasi in-expect ko pa na manonood sya.

Iyan tuloy, umasa lang ako.

Tapos nag-ring 'yong phone ko.

Text message receive from Friend
~Friend! Good luck! Do your best...love you!muahhh~

Napangiti na lang ako, tapos tumingin kay Friend dun sa loob ng court.

Kasama nya 'yong syota nya tapos nag-wave silang dalawa sa'kin .

Binuka pa nga ni Warren 'yong bunganga nya e para lang ipaabot sa'kin na just smile, kaya nag-smile na lang ako.

Tapos nagsimula na 'yong game.

Nag-umpisa na akong kabahan.

Nagiging pasmado na 'yong kamay ko, tapos bigla akong napatingin kay Daña, nag-evil grin lang sya.

Nakita ata ni ate Bianca kaya bigla syang napalingon sa'kin.

Nasa likod kasi ako baka kasi kapag nasa unahan ako, hindi ko masalag yung bola.

Sa kabilang team ang bola at 'yon ay Service ni Friend.

Salamat na lang at hindi nya pinatapat sa'kin.

Nasalo naman 'yon ni ate Bianca at pumunta sa kabilang team.

Mayroong time na sa sobrang takot ko at kaba, nailagan ko 'yong bola.

Mayroon pang time na inaagawan na ako ng bola ni Hannie kasi nga alam na nyang hindi ko masasalo.

Mayroon ding time na hindi ko talaga nasasalo kaya nakakahiya.

Minsan nga, nagserve ako e! Malakas nga, pero outside naman, tuwid nga 'yong service pero hindi naman pasok sa net.

Sunud-sunod na palpak lang ang naidulot ko, para bang sa tuwing titirahin ko 'yong bola, alam na nung audience na hindi ko magagawa.

Kaya pinanghinaan na ako ng loob.

Gusto ko na matapos ang game.

Gusto ko ng umuwi at matulog.

Ayoko na! Ang weak ay weak.

Wala na akong magagawa kundi tanggapin ko na lang.

;)
--->

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon