(141)Tanga o nagtatanga-tangahan lang

19 1 0
                                    

Ron's POV




Tangina...sobra na mga yow!




Sinundan ko agad si Xyrex palabas ng venue...




"Here you are the rescuer best friend... hahahahaha!" ang pagharang sakin ni Daña




"Let me pass...Bitch" ang pagtulak ko sa kanya palayo sakin na dahilan para magdagasa siya




"Wag mo akong babanggain! Nalaban ako sa babae..." sabi ko saka siya iniwan




At doon ko nadatnan si Xyrex na naglalakad palayo...









"Pagkatapos mong makipaghalikan...iyo mo naman ngayon susundan...nice!!!" sigaw ko na dahilan para mapatigil siya




"Xyrex ...ano ba ang problema???" tanong ko sa kanya habang nalakad ako palapit at hindi parin siya naharap




"Bakit kailangang ganun?!!! " dugtong ko




"Hindi mo ba alam kung gaanong kasakit ang ginawa mo?!!!!!!! Sobra-sobrang sakit na ang iniwan mo sa kaibigan ko!!!!!!" ang sigaw ko at pagharap niya, sinalubong ko siya ng suntok




"Xyrex...di sana aabot dito kung di ka nagloloko..." ang sabi ko habang hawak ang kwelyo niya




"Brad!!!! Ano na bang nangyayari sayo?!!! Di ka naman ganyan dati ah!!!!umayos ka nga!" sabi ko saka siya binitawan kasi hindi naman siya nalaban




"Ano ba ang ginawa sayo ni Alex para bawian mo ng ganito?!!! Alam mo, kung di mo mahal ang kaibigan ko, sabihin mo lang! Hindi yung idadaan mo sa halikan!!! " sigaw ko at nakatungo lang siya




"Alam mo ang pakiramdam na makita ang taong mahal mong nakikipaghalikan sa iba...bakit pinaranas mo pa sa kanya?" ang sabi ko ng mahinahon ng makita kong may tumulong luha sa mata niya at tahimik lang siya




Napabuntong hininga lang ako at tumabi sa kanya...




"Brad...alam kong mahirap magpaalam...Masakit...lalo na kapag ang iiwan mo ay yung taong napakahalaga sayo...




Brad...ang sarap sa pakiramdam kapag umalis ka at iniwan mo siya kasama ang masasayang memories nyong dalawa...




Kaysa iwan mo siya dito ng puro galit at sama ng loob...yun ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya at di ko na siya hinintay na sumagot kaya tumayo na ako




"Kahit konting sakit na binibigay natin sa babae, dinaramdam nila agad yun kaya kung may paraan para wag silang paiyakin, kailangan nating gawin yun...lalaki tayo e..." sabi ko atsaka siya iniwan









"I'm glad that my girlfriend has a best friend like you...




Brad...




Wag mo siyang iiwan ha...




Mahal na mahal ko yun..." sabi niya at hinawakan ko lang siya sa balikat




"I will..." sabi ko at saka hinanap si Alex kung saan pumunta.

Favorite Song:Part 1[KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon