"Ang dami mo namang pagkain dito!ikaw lang naman ang tao..." Sabi ko
"Ito na nga lang ang magagawa ng tatay ko para sa'kin e! Ang pagpapadala ng mga groceries!" Sabi nya.
Napatitig naman ako sa mga kinuha nya tapos umupo na sya sa upuan ng dining room
"Bakit 'yan ang mga kinuha mo?para kang bata!"ang sabi ko sa kanya.
Paano ba naman kasi , ito po 'yong mga kinuha nya: Marshmallow,stick-o,krim stix, koko crunch,Oreo,Bear brand,nips at nutella.
"Umupo ka na lang kaya!"sabi nya kaya umupo naman ako.
"Anong gagawin na'tin sa mga 'yan?papapakin?diabetes yan Boss!" Sabi ko.
"Hindi 'yan! Mag-eexperiment tayo!!!" Ang sabi nya.
"Experiment?you mean....paglalaruan natin yang mga pagkaing yan?" Tanong ko
"Parang ganoon na nga! Pero hindi naman tayo magsasayang e! Kakainin rin na'tin!"ang sabi nya habang kumuha ng plato at nilagay sa gitna.
Pinanuod ko na lang sya.
"Tagtagin natin sa balat lahat ng Oreo! Tapos ilagay mo dun sa isang plate." Ang sabi nya, kaya ginawa ko na lang.
Tapos noong nabalatan na namin 'yong isang balot.
"Paghiwalayin mo 'yong dalawang oreo na magkadikit tapos tagtagin natin ang palaman gamit 'yong kutsara."sabi nya na parang bata.
Natatawa na lang ako at nakikisakay.
"Boss! Anong gagawin sa palaman?" Tanong ko
"Edi kakainin!"sabi nya.
"Nyek!!!"sabi ko sabay kain nga naman.Masarap pala talaga.
"'Yan! Tapos na! Ngayon, ilagay na'tin sa gilid ng plato na pabilog.Ipalibot na'tin..." Ang sabi nya, sumunod naman ako.
"Tapos na Boss, ano naman ang gagawin na'tin?" Sabi ko.
"Buksan mo yung Krim stix tapos lagyan na'tin 'ying ibabaw ng oreo" Sabi nya.
Hahaha...ang saya pala talagang gumawa nito 'noh?pampalipas oras.
"Tapos?"
"Lagyan natin ng nips yung ibabaw ng oreo na nilagyan na'tin ng krim stix"
After a minute...
"Tapos na ako! Ano sunod?"
"Ipatas na'tin 'yong marshmallow sa gitna ng plate na parang pa-pyramid"
"Tapos?"
"Tapos, lagyan na na'tin ang Nutella!!!!" Ang sabi nya sa boses na parang bata.
BINABASA MO ANG
Favorite Song:Part 1[KathNiel]
Novela JuvenilMasarap makinig ng musika,lalo na kung malungkot ka...Minsan nga napapaluha ka na lang bigla...Pero ano ba ang nagpapaiyak sayo? Yung kantang naririnig mo? O Yung taong naaalala mo sa bawat kantang pinapakinggan mo? Kathryn Bernardo as Alexandra Al...